Hanggang saan ng ABS-CBN, serye na sa turkey

Hanggang saan ng ABS-CBN, serye na sa turkey

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 23, 2020 - 12:00am

Patuloy ang tagumpay ng ABS-CBN sa ibang bansa dahil sasabak na sa primetime TV sa Turkey ang adaptation ng Hanggang Saan nina Sylvia Sanchez at Arjo Atayde, ang A Mother’s Guilt, tampok ang ilang kilalang artista sa nasabing bansa.

Ito ang kauna-unahang Pinoy TV series na nagkaroon ng adaptation sa Turkey. Ipapalabas ito sa kilalang TV channel na Kanal D tuwing Sabado simula noong Nobyembre 21.

Kasama ng ABS-CBN ang isa sa mga nangungunang production company sa Turkey, ang Limon Yapim, sa pag-prodyus ng A Mother’s Guilt.

Para kay Macie Imperial, na head ng ABS-CBN International Distribution, isang karangalan hindi lamang para sa network ang A Mother’s Guilt kundi pati na rin sa Pilipinas dahil ito ang first original Philippine series na naging palabas sa Turkey.

Nitong taon lang, 16 sa mga serye nito ang nagsimulang ipalabas sa Africa, Asia, at Latin America.

Sa mga nagdaang taon, nakapagdala na ang ABS-CBN ng mga programa nito sa 50 bansa sa buong mundo sa pamamagitan ng ABS-CBN International Distribution.

QCinema, digital na rin

Ahh digital edition din ang gaganaping QCinema this year.

Sa isang online release, sinabi QCinema na tulad sa Metro Manila Film Festival, mapanood din ito sa UPSTREAM and GMovies.

Mag-uumpisa ito sa November 27 up to December 6.

Sampung award-winning and highly acclaimed films ang magiging available sa kanilang opening salvo na puwedeng rentahan for 150.00 each.

Ongoing na ang Pista ng Pelikulang Pilipino digital edition kung saan nagkaroon pa sila ng Fans Day and Grand FanCon through  an online platform sa pamamagitan with the PPP4 Virtual Fan Xperience.

The PPP4 runs from October 31 to December 13.

New normal approach din ang MMFF 2020 simula naman sa Christmas Day.

Wow talagang ito na ang new normal. Puwede mo nang panoorin sa bahay.

Paano na kaya ang mga sinehan? May ibang nagbukas na raw, pero siyempre marami pa ring takot na dumayo sa mga sinehan lalo na ngayon at ang daming choices sa online.

CINEMA MMFF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with