John Lloyd at Bea

John Lloyd at Bea magkasamang nag-’refresh’

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 21, 2020 - 12:00am

Ellen binalikan ang mental training sa Bali

Spotted sa isang resort sa Batangas sina Bea Alonzo and John Lloyd Cruz.

May photos ng mga naka-selfie nila sa nasabing resort. Pero nag-upload din si John Lloyd pero walang mention kung anong ginagawa nila sa nasabing resort.

Pero ang sabi raw ng dalawa ay “refresh lang” nang tanungin kung anong purpose ng vacation nila.

So may chance kaya na maging sila if ever?

A day ago ay nasa Zambales si Bea para sa birthday ng kanyang mom at pamangkin sa brother - James Carlos - na husband ng anak ni Bayani Agbayani na si Thalia. “I spent a few days being with my family in Zambales for my mom’s birthday. I am thankful for being able to spend time with them, have never-ending conversations with them, and create memories with them. Priceless. My heart goes out to the families going through difficult times, especially those affected by the recent typhoon. Ipinagdadasal po namin kayo ng pamilya ko.”

Thalia, gave birth sa first daughter nila last April 21. Nabanggit ni Bayani sa previous interview na spoiled ang apo niya kay Bea ; “Ang suwerte ng anak ko. Mahal na mahal niya ang kanyang brother. At na-feel ko, kung gaano niya rin kamahal ang anak ko. Ang takot ko lang, baka sobrang ma-spoil ang apo ko.”

Samantala, ayon naman sa IG story ni Ellen Adarna ay nasa Bali, Indonesia siya para ituloy ang kanyang mental training program ayon.

Maaalalang bago nag-lockdown ay nakabalik ng bansa ang former sexy actress mula sa kanyang mental health trai­ning sa Bali. “At first I thought I was going to die. Everything was getting hard, my muscles were getting so stiff, and I felt like I couldn’t breathe. And then I’d just end up puking,” bahagi ng confession ni Ellen pagbalik niya ng Cebu last March.

Kuwento pa niya, umabot siya sa point na tulog lang siya nang tulog at hindi naliligo ng kung ilang araw. Nasa bed lang daw siya the whole time at wala na siyang nararamdaman na parang robot na lang.

Wala itong binanggit noon kung bakit nagkaroon siya ng ganun bagama’t ikino-konek ito ng iba sa natapos nilang relasyon ni John Lloyd.

 

 

 

JOHN LLOYD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with