^

PSN Showbiz

Inigo at Maris, intinding-intindi na ang isa’t isa

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Inigo at Maris, intinding-intindi na ang isa�t isa
Inigo at Maris

Ngayon lamang muli nagkatrabaho sina Maris Racal at Inigo Pascual para sa digital series na Boyette, Not A Girl Yet na pinagbibidahan ni Zaijian Jaranilla. 

Ayon kay Inigo ay nanatili naman silang magkaibigan ng aktres kahit hindi nagkakatambal sa mga proyekto. “Para sa akin, since nangga­ling kami sa love team, nando’n ‘yung maturity namin. Siguro intinding-intindi namin ang isa’t isa. Hindi kami nagkakailangan kasi hindi naman kailangan. We’re here to be professional and we’re here to work with one another. Ayos naman ‘yung friendship namin ni Maris. Wala naman kaming hinanakit sa isa’t isa. So para sa akin, basta enjoy lang, wala naman naging problema,” pagbabahagi ni Inigo.

Matatandaang maraming proyekto na ang pinagtambalan bago pa tuluyang nagkahiwalay ng mga landas sina Maris at Inigo. Aminado ang aktor na talagang hindi na sila masyadong nakapag-uusap ngayon ng dalaga. “We both have different paths , and we don’t talk as much as we used to,” pagtatapat niya.

Kahit hindi na madalas na nagkakausap ay sinisiguro naman ni Inigo na walang nagiging problema kapag nagkikita sila ng aktres nang personal. “Automatic sa amin ‘yung, ‘Kumusta ka na? Kumusta ang ginagawa mo, ang songs mo?’ Nakakatuwa kasi katulad ng music ni Maris, nagsi-share siya sa akin na, ‘Ito pala ang bago kong kanta.’ Ipaparinig muna niya sa akin bago ilabas sa public. So gano’n pa rin naman, ‘Yon nga lang we don’t get to hang out or talk as much before,” dagdag pa ng aktor.

Christian, nahirapan pasanin ang pandemya

Nakaranas ng depresyon si Christian Bables dahil sa mga pagsubok na kinaharap ngayong panahon na pandemya. Maraming mga trabaho ng aktor ang nawala dahil sa pagpapatupad ng community quarantine sa bansa. “Una dahil sa thinking na ano ang next sa akin. Bago kasi pumasok ang taon, awa ni God, ang ganda ng schedule ko. Pahinga ko lang Sunday, minsan wala pa. Tapos biglang duma­ting ang pandemic, nawala lahat as in nawala lahat,” kuwento ni Christian.

Nakadagdag pa sa nararamdamang pangamba ng aktor ang pagsasara ng ABS-CBN dahil sa kawalan ng prangkisa nito. Ngayon ay unti-unti nang nakakagawa ng mga proyekto si Christian. “Hindi ko madi-discount ‘yung fact na ang galing ni God. Nagpadala naman Siya ng panibagong blessing. Pero ‘yung inasahan mo na dapat gagawin, tapos biglang nawala, nakaka-depress talaga, hindi madali. Tapos mayroon pang dumating sa family namin na ang bigat din talaga. Kasi ang health ang tinira nitong pandemic eh. Hindi siya madaling pasanin,” makahulugang pahayag ng binata.

Bukod sa pagiging aktor ay sumabak na rin si Christian sa pagnenegosyo. Isang restaurant ang pagmamay-ari ngayon ng pamilya ng binata. “Ngayon ‘di kami nagke-cater ng dine-in, puro kami delivery. Barbecue restaurant, it’s called Parilla,” pagtatapos ng aktor.

Reports from JCC

vuukle comment

MARIS RACAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with