^

PSN Showbiz

Derek at Andrea, nakakahinayang

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Derek at Andrea, nakakahinayang
Derek at Andrea

Medyo na-sad naman ako sa balita na nag-break na sina Derek Ramsay at Andrea Torres. Kasi para namang very much in love sila sa photos na nakikita ko, at talagang they look good together. Parang ang ganda-ganda naman ng relasyon nila at happy sila. Lagi pa ngang nababanggit na pati ang mga pamilya nila ay approve sa kanilang love affair.

Hindi ako naniniwala na hindi seryoso si Derek kay Andrea, dahil kita mo na very proud at loving siya ‘pag kasama niya ito. Kahit si Andrea kita mo rin na seryoso sa kanilang relationship. Kung meron mang kinks o problema, sana maayos nila, mapag-usapan para mai-save ang relasyon, kasi nga sayang ang emosyon na na-invest. Baka konti lang naman ang misunderstanding at maayos pa. Walang pressure at malay mo ito ang maging dahilan para mas tumibay pa ang love nila para sa isa’t isa.

Give them a little space, iyon lang.

At kung hindi na talaga mai-save,
irespeto natin ang desisyon nila, and pray na sana malagpasan nila at makita nila ang happiness na hinahanap nila kahit hindi na sila.

Ibang pulitiko pinagpapaliwanag

Nakalagay ngayon sa alanganin ang mayor ng bawat city na absent noong naganap ang mga bagyo at baha. Pinapagpapaliwanag sila kung bakit wala sila sa mga sandali na kailangan sila ng kanilang nasasakupan ng Department of Interior and Local Government. Kasi nga naman, mga mayor ang unang takbuhan ng lahat ‘pag may mga ganitong problema, kung wala sila, kanino pa tatakbo ang mga tao?

Kaya nga puring-puri natin sina Mayor Joy Belmonte, Toby Tiangco, Enrico Roque, pati na ang tatlo pang mga babae na mayora rin, sina Abby Binay, Andeng Ynares at Lani Mercado-Revilla. Talagang tinutukan nila ang kanilang mga lungsod para matiyak na safe at sapat ang mga tulong na ibibigay. Mahirap man ang trabaho nila, kahit walang mga tulog, talagang nagsakripisyo para sa lahat.

Palagay ko ganu’n din ang ginawa nina Mayor Vico Sotto at Isko Moreno na mabuti na lang na mga bata pa rin kaya  puno ng energy ang mga punongbayan na ito para maharap nang husto ang napakabigat na tungkulin.

Salamat din at madali na ngayong makita kung sino ang talagang mga nagtatrabaho at mga absent ‘pag may ganitong kalamidad.

Ngayon, laging on their toes ang bawat pulitiko dahil nga nakabantay na ang taumbayan.

vuukle comment

ANDREA TORRES

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with