Andrea ayaw sa live in kaya nakipag-split kay Derek

Derek at Andrea

As of presstime, wala pang inilalabas na statement sina Derek Ramsay at Andrea Torres sa isyung breakup nila.

Pero ilan sa mga taong malapit sa kanila ay kinumpirmang break na nga raw sila. Hindi lang maibigay ang buong detalye kung kailan pa at kung ano ang dahilan.

Tinext ko silang dalawa, pero walang sagot. Parang buong araw yata naka-off ang phone ni Derek.

Sa aming pagtanong-tanong, totoong break na nga raw sila. Kung anu-anong kuwentong naglabasan, pero walang kumpirmasyon ito pero ang dinig namin, ayaw daw talagang magsalita ni Andrea. Ewan ko lang kay Derek.

Isa kaya iyon sa mga dahilan kung bakit wala pang balita kung itutuloy ang Sanggang Dikit?

Sabi ng ilang napagtanungan ko sa GMA 7, wala pa raw talaga sa line up nila itong action serye na pagsasamahan sana uli nina Derek at Andrea.

Kaya isinama na muna si Andrea sa Legal Wives with Dennis Trillo.

Noong Lunes ng gabi lang ay ini-launch sa 24 Oras ang Christmas Station ID ng GMA 7 at magkasama pa silang dalawa roon.

Kaya marami rin ang nanghihinayang sa relasyon nila dahil kasal na nga ang napapag-usapan.

Bukod pa riyan ay close na ang kani-kanilang pamilya na kung saan once a week ay nagba-bonding sila sa bagong tayong tahanan ni Derek.

Totoo kayang niyaya na raw ni Derek si Andrea na mag-live in sila, pero ayaw daw pumayag ng aktres? Ang gusto raw kasi ni Andrea ay kasal muna bago sila magsama. Iyan lang ang ilan sa mga narinig naming kuwentuhan, dahil tikom pa rin ang bibig ng dalawa.

Pero iisa lang talaga ang hangad namin na sana ay magkabalikan na sila at mauwi na sa kasalan.

Rocco nanghihingi ng pantulong

Maganda ang Christmas station ID ng GMA 7 na ang tema ay Isang Puso Ngayong Pasko.

Naka-focus ito sa COVID 19 na pinagdaanan natin ngayon at ang huling malalakas na bagyong sumalanta sa ating bansa.

Kasabay na rin nito ay ang kuwento ng ilan pang mga Kapuso stars na talagang all-out ang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo at nalubog sa baha sa Cagayan, sa Marikina at sa iba pang lugar.

Ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Ri­chards ay nakalikom ng P200K mula sa mga star sa kanyang larong Mobile Legends.

May katumbas na halaga kasi ang mga stars sa kanyang laro, at ang lahat na iyon ay ipinangako niyang ibibigay sa mga nasalanta ng baha.

Si Rocco Nacino naman na isang Navy reser­vist, tumulong sa pamamahagi ng relief goods sa Rodriguez, Rizal noong nakaraang Linggo.

Sabi naman niya sa kanyang Instagram account; “Sa mga Kapusong handang tumulong, nandito muli ang @gmakapusofoundationph para iparating ang tulong ng taong may gintong puso para sa mga nasalanta ang kabuhayan, tirahan at mga naulilang mahal sa buhay.”

Ipinost niya ang mga kuha ng mga nasalanta ng baha sa may Rodriguez, Rizal na kung saan doon din nakatira at nasira ang buong bahay ng child actor na si Kenken Nuyad.

Patuloy na nananawagan si Rocco sa mga gusto pang tumulong at mabigay ng donasyon gaya ng cash, pagkain, mattress, at iba pang gamit para sa mga nasalanta ng baha.

Puwede raw i-DM si Rocco o ang kasintahan niyang si Melissa Gohing ng items na ido-donate, o kung magkano ang cash donation.

Top model nagka-covid din

Pati pala ang isang top model ay nagka-CO­VID-19 na rin.

Inaabangan ko sa kanyang Instagram account ang statement na ilalabas niya, pero sinabi naman daw ng mga taong malapit sa kanya na hindi niya ito itatago.

Okay naman ang kalagayan ngayon ng model, dahil talaga namang maingat siya at hindi na nga siya lumalabas.

Show comments