Coleen hirap sa postpartum,nanghihina sa pagbi-breastfeed

Billy, Coleen at Baby Amari
STAR/ File

September 10 nang ipanganak ni Coleen Garcia ang kanilang supling ni Billy Crawford na si Amari. Bilang isang bagong ina ay talagang naninibago pa ang aktres sa kanyang mga nararanasan ngayon. “From the day na nanganak ako, wala pa akong buong tulog. Mahirap ang postpartum, mahirap ang breastfeeding, ‘yung recovery and everything. Ang hindi ko lang naisip is ‘yung ipagsasabay-sabay mo lahat. I am trying to learn how to breastfeed pero at the same time, nagre-recover din ako,” pagbabahagi ni Coleen.

May ilang binago rin ang aktres sa kanyang diet dahil sa pagbi-breast feed kay Amari. “Nanibago ako because of the diet also na every two hours kaila-ngan talaga kumakain. Kasi breastmilk stays the same, nutritious talaga no matter what. Kapag kulang, kinukuha talaga from my nutrition. So ako ‘yung parang nanghihina, ako ‘yung nakukulangan sa nutrition. I always have to be eating and everything. Totoo ‘yung sinasabi nila na your body is no longer yours,” dagdag pa niya.

Umaasa si Coleen na muling makakabalik sa trabaho kapag maaari nang iwanan ang anak. Sa ngayon ay sinasamantala umano ng aktres ang bawat panahon  na kasama si Amari. “Our journey is quite unique kasi this all happened while we are on lockdown. It’s still hard to imagine what normal life is going to be like. Kasi kahit naman no’ng buntis ako, naka-lockdown na. It’s hard to imagine what it will be like when it is back to work, when I started going out again. Excited din naman ako for that because everything is really going to be different,” makahulugang pahayag ng aktres.

Osang, naudlot ang pagbebenta ng ulam

Natutunan ni Rosanna Roces ang online selling nang ipatupad ang community quarantine dahil sa banta ng covid-19 pandemic. Nakatulong ng aktres ang panganay na anak na si Grace sa pagbebenta ng iba’t ibang lutong ulam. “Natuto kaming mag-negosyo ni Grace. Nagluto ako, ‘yung timplada. Kaming dalawa lang. Siya ang namamalengke, ako ang nagluluto. Kaldereta, baby roast beef. ‘Pag seafoods galore, steamed fish, pusit na adobo, gambas. Ang hirap ‘pag iba-iba, dapat may schedule, kundi nakakahilo,” kuwento ni Rosanna.

Ayon sa aktres ay biglang napatigil ang kanilang online business ng anak nang ma-hack kamakailan ang kanyang Instagram account. “Kaso na-hack ang IG ko. Nandoon lahat ng customer, bad trip,” pagbabahagi ni Osang.

Malaki ang pasasalamat ng aktres dahil kahit limitado pa ang mga trabaho ngayon sa show business ay kabi-kabila naman ang kanyang mga ginagawang pelikula. Natapos na ni Osang ang shooting para sa Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar kasama sina Ara Mina, Maui Taylor at Alma Moreno. Kabilang din si Osang sa isang bagong BL (boys’ love) series  at ngayon ay patapos na ang shooting para sa pelikulang Anak ng Macho Dancer na pinagbibidahan ni Sean de Guzman. “Mahirap ang buhay, buti na lang nakapag-ipon ako from Los Bastardos, Pamilya Ko. Pero siyempre kung palabas nang palabas mauubos din. Pero ‘pag magwo-worry na ako, may dumarating na project,” paglalahad ng aktres. Reports from JCC

Show comments