^

PSN Showbiz

TV5 pila-pila ang mga bagong programa

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Kahit certified Kapuso actor na si Khalil Ramos after niyang umalis sa ABS-CBN, may ibang TV project pa pala ang boyfriend ni Gabbi Garcia na hindi under GMA 7!

Kasama si Khalil sa TV5 series na Love vs. Stars na produced ng Cignal Entertainment at line-produced nina Direk Perci Intalan at Direk Jun Lana under The IdeaFirst Company.

Noon pa raw nasimulan ang project na ito at kahapon ay naka-lock-in taping uli sila (kasama pa rin si Khalil) para tapusin na lang ang natitirang mga eksena na hindi pa nakunan noong una silang nag-lock-in taping.

Bale three taping days na lang daw ang natitira sa kanila para sa series na ito. Kasama rin dito ang Kapamilya actress na si Miles Ocampo (na regular cast din sa Sunday ‘Kada ng TV5 na blocktimed gag show ng Brightlight Productions ni Mr. Albee Benitez).

Si Kokoy de Santos naman na lumabas sa first lock-in taping ng Stay In Love na pinagbibidahan ni Maris Racal under Cignal Entertainment din at line-produce ng Cornerstone Studios for TV5 ay “tumawid” naman sa lock-in taping ng Love vs. Stars.

Eh, ngayong last week ng November ipapalabas sa TV5 ang Stay In Love na pinagbibidahan din nina Ruffa Gutierrez at Bobby Andrews, kaya next year pa raw ipapalabas ang Love vs. Stars.

Alam mo, Ateng Salve, in fairness sa TV5, ang dami rin nilang shows at parang mas concentrated na sila ngayon sa entertainment kesa sa sports, huh!

Lotlot proud sa panalo ni Janine

Nasa third lock-in taping ng Walang Hanggan Paalam sa Subic, Zambales si Lotlot de Leon, kaya lunch time na niya ako na-reply-an kahapon dahil tinatanong ko siya kung ano ang message niya sa anak na si Janine Gutierrez na nanalong best actress sa Urian Awards noong Tuesday night. “I’m so happy for Janine! I’m so proud of her!

“I just want her to be the best that she can be, to never stop learning and loving her work. Sobrang tuwang-tuwa ako sa pagkapanalo niya. Ginalingan talaga niya sa pelikulang ‘yon!” sabi ni Lotlot.

Sa Babae at Baril nanalo ng best actress award si Janine. Sinasabihan din daw ni Lotlot ang anak na, “To always be grateful for the small and big bles-sings that come her way and to remain humble!”

In fairness, isa si Janine sa mga artista natin na masasabing very sweet and nice sa entertainment press.

Alam kong agree ka sa sinabi kong ‘yan, Ateng Salve. ‘Yun na!

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with