Relasyon nina Maine at Arjo, tanggap na ng fans

Maine at Arjo

Mukha raw sa kasalan na pa­punta ang relationship nina Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Ok naman dahil mukhang maganda naman sa dalawa ang epekto ng kanilang pagmamahal sa isa’t isa dahil tahimik at wala kang away na naririnig.

Mukha pang habang tumatagal lalo silang nagiging happy. In good terms ang mga pamilya nila, at mukhang tanggap na ng lahat ang kanilang love.

Kung noong una ay medyo galit ang ilang fans, ngayon para namang masaya na sila na makita na bagay ang dalawa.

Everyone naman really loves those who seem happy together. Kaya kung sa kasal na papunta ang Maine at Arjo, wow, tiyak na malaking wedding iyan at very happy si Sylvia Sanchez dahil boto siya kay Maine as daughter-in-law.

Wait tayo sa wedding bells, at ngayon pa lang congrats na at best wishes.

Alden, the one na lang ang kulang

Sa parte naman ni Alden Richards, lahat ay nagdarasal na sana ay makita niya na ang ‘the one’ para sa kanya.

Panahon na para magkaroon ng lovelife si Alden, halos lahat ng pangarap niya, naabot na niya. Financially, very stable na siya. Emotionally, nasa stage na siya na matatanggap na niya ang anumang pagsubok sa relasyon. At physically, he is at his best, ang guwapo niya ngayon, fit na fit ang katawan.

Pinaka-lucky na ang babae na mapipili ni Alden Richards, dahil makikita mo how passionate at hardworking siya bilang lalaki. At noon pa kita mo na ang kanyang sense of responsibility at pagmamahal sa pamilya, kaya mas lalo sigurong magiging secure at stable ang future family niya kung sakali.

Bongga talaga ang maging Mrs. Alden Ri­chards, at super proud siguro ng babae na ihahatid niya sa altar.

Show comments