^

PSN Showbiz

Marcelito naihanda na ang pamilya

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Marcelito naihanda na ang pamilya
Marcelito
STAR/ File

Maraming mga kababayan natin ang nakaranas ng matin­ding hagupit ng bagyong Rolly noong Linggo. Nasa Calauag, Quezon ang pamilya ni Marcelito Pomoy kaya sobrang nag-alala ang si­nger na kasalukuyang nasa Maynila. Bukod sa pananalasa ng bagyo ay patuloy pa rin nating kinakaharap ang banta ng covid-19 pandemic. “Ang na-realize ko kailangang mag-ingat. Ito ang panahon na kailangan nating magdasal. ‘Yung tipong maging safe tayong lahat, hindi lang dito sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo,” bungad ni Marcelito.

Labis na nangamba ang singer para sa mga mahal sa buhay lalo pa’t magkalayo sila ngayon. “Siyempre hindi mawawala sa akin kasi hindi ko sila kasama. Ang hirap kasi sa sitwasyon ngayon na may covid pa, ‘yon ang problema. Sobrang takot ko kasi wala ako roon, gusto ko makasama ang asawa ko. Gusto ko ano man ang mangyari nandiyan ako sa tabi niya. ‘Yung mahawakan ko sila, kung kailangang i-save bilang magulang, bilang tatay,” paglalahad niya.

Nasa maayos na kalagayan na nga­yon ang pamilya ni Marcelito na nakabase sa Quezon. Ayon sa singer ay napaghandaan naman ng kanyang mga mahal sa buhay ang  kalamidad. “As of now okay sila. Bago pa ang bagyong Rolly, pinaghandaan na namin ‘yan. Tinatawagan ko, ‘Kailangan ninyong maghanda,” kwento ng singer.

Mga bida sa hayop ka, matindi ang voice acting

Napasabak sa voice acting si Angelica Panganiban sa kauna-unahang pagkakataon. Boses ng aktres ang ginamit para sa bidang pusa na si Nimfa sa Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story. Napapanood na ngayon sa pamamagitan ng Netflix ang naturang animated film.

Aminado si Angelica na talagang nahirapan siya sa proyekto dahil hindi niya nakasanayang gawin ang tulad nito. “Kasi sanay akong umarte nang kumpleto, nang nakikita ako sa camera, may facial expressions. Parang mas mada­ling mag-deliver kung gumagana lahat. With this, boses mo lang ‘yung kailangang umarte.

“So parang kailangan mong um-effort talaga para matawid mo sa audience ‘yung talagang nararamdaman ng character. Sabi ko nga, tumaas ‘yung respeto ko lalo sa mga voice actors dahil mahirap pala ‘yung trabaho nila,” pagbabahagi ni Angelica.

Ayon sa aktres ay talagang maipagmamalaki niya ang bagong proyekto dahil gawang-Pinoy ito. Kasama ni Angelica sina Robin Padilla at Sam Milby na nagboses din ng kanya-kanyang karakter sa pelikula. Ang Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story ang kauna-unahang Filipino animated film ng Netflix. “Dapat ipasok natin sa isip natin na kaya nating mga Pilipino na gumawa nito. Ang sarap dahil ngayon di ba nasa Netflix siya. So wider ‘yung range, mas maraming makakapanood. Kailangan nating ipagmalaki ‘yung mga nagagawa natin,” paliwanag ng dalaga. (Reports from JCC)

vuukle comment

ROLLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with