_ngayon
^
Richard at Sarah nag-effort sa Halloween pictorial

Richard at Sarah nag-effort sa Halloween pictorial

YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - November 3, 2020 - 12:00am

Dahil hindi pa naman maulan noong Sunday morning, nagdesisyon si Richard Gutierrez na tumuloy pa rin sila ng kanyang pamilya sa Sunday lunch nila sa White Plains house ng parents niyang sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama kahit nga sinasabing padating na rin sa Metro Manila si Super Typhoon Rolly.

Bandang 3:30 p.m. nang tawagan ako ni Bisaya. Eh, takot akong abutin ng bagyo sa daan, kaya hindi na ako pumunta pa sa Sunday lunch nila.

“Umalis na sina Richard. Kailangan na nilang umuwi nina Sarah (Lahbati), Zion at Kai, malayo rin ang Alabang,” sey ni Bisaya.

Pero mabuti na nga lang at humina ang bagyo at hindi rumagasa sa Metro Manila.

Anyway, tumuloy si Richard at ang kanyang pamilya sa Sunday lunch nila dahil birthday rin ng nanay niya noong Saturday at two weeks lang ang pahinga niya sa lock-in taping ng FPJ’s Ang Probinsyano at babalik sila uli sa Batangas. As much as possible, sinasamantala ni Richard na magkasama-sama sila kapag wala siyang trabaho.

Sabi nga ni Sarah, masayang-masaya raw ang mga bata kapag umuuwi si Richard from his lock-in taping.

Marami nga pala ang naaliw sa pictures and videos ng pamilya ni Richard kung saan ay mala-Elvis Presley at Priscilla Presley silang mag-asawa rockstar kids naman ang dalawang bata.

Effort din ang ginawang shoot and pictorial ng pamilya ni Richard para sa videos and pictures na ipinost nila sa kanilang social media accounts.

Sheree, napagod sa kaka-swab test

Three shootings days na lang pala ang natira sa Pakboys nina Janno Gibbs, Andrew E., Dennis Padilla at Jerald Napoles kaya naman nagdesisyon ang Viva Films na tapusin ‘yon.

Iniba na rin ng Viva Films ang title ng pelikula at ginawang Babaero.

Dalawa sa leading ladies nila na nag-lock-in shooting din ay sina Sheree (Viva Hotbabes member) at Nathalie Hart. Sa tsikahan namin ni Sheree, nabanggit niya na napagod siya sa lock-in shooting nila dahil hindi lang daw before and after ang  swab tests nila. Kahit daw during the shooting, may testings daw sila. “Pero ok lang naman, at least safe na safe kami. Matindi rin ang health and safety protocols na pinatupad ng Viva during the shooting. Mahigpit, pero mas natuwa kami!” sabi ni Sheree.

Naku, ako nga, Ateng Salve, mag-swab testing uli mamaya dahil dadalaw ako sa studio ng isang online show mamaya. Requirement ‘yon, kaya dapat sundin. ‘Yun na!

RICHARD GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with