Sharon, orig na collector ng Hermes sa Pilipinas!
Sharon
STAR/File
Sharon, orig na collector ng Hermes sa Pilipinas!
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2020 - 12:00am

Wala pa sina Heart at Jinkee

Grabe rin ang mga Birkin bag ni Sharon Cuneta lalo na ang black crocodile skin na may backstory nung muntik na silang maghiwalay ni Sen. Kiko Pangilinan.

At meron pa siyang 30-year old Birkin na wala pa itong mga sosyal ngayon, nakabili na si Ate Shawie.

Meron din siyang vintage Channel at mga Louis Vuitton bag.

In all fairness, siya naman daw talaga ang nag-introduce ng Birkin sa Philippine society na ang alam pa lang daw noon ng mga sosyal ay Louis Vuitton.

Naalala pa nga ng iba niyang fans na sa Dear Heart movie niya, luxury bag na ang mga gamit ni Sharon.

At alagang-alaga niya raw ang mga Hermes bag niya na ‘pag umuulan ay nauuna pa niyang lagyan ng rain coat ayon sa kanyang vlog kahapon.

Super favorite niya ang Birkin Brighton Bleu crocodile skin na may accessories kasama ang picture ni Gong Yoo. Hahaha. Mas priority pa niya ang Korean actor kesa sa picture ng mga anak niya at mister na senador. Kakaaliw. Pero ang cute ni Ate Shawie. Alam mo ‘yun, walang halong yabang ang mga kuwento niya kahit nagpapakita ng collection ng mga bag niyang milyunan ang halaga.

Kaya siya talaga ang orig na collector ng Hermes sa Pilipinas, at malamang wala pa noong Birkin sina Jinkee Pacquiao and Heart Evangelista.

SHARON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with