Kris, marunong mag-appreciate kahit maliit na bagay!
Kris
STAR/ File
Kris, marunong mag-appreciate kahit maliit na bagay!
TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - October 29, 2020 - 12:00am

Bongga sa saya si Ronite ng @dpersonalshopperph dahil binati siya ng ever favorite niya na si Kris Aquino sa kanyang Facebook video. Isang bagay na mapupuri mo kay Kris ay ‘yung pag-acknowledge niya ‘pag binigyan mo siya ng something, kahit maliit na bagay, naa-appreciate niya talaga. Eh si Ronite na isang online seller / shopper, over ang paghanga kay Kris ever since, kaya naman nabanggit lang ang name niya, talaga namang over the moon ang tuwa niya.

Isang validation na maganda ang taste ni Ronite @dpersonalshopperph ay ‘yung nagustuhan ni Kris ang ibinigay niya, dahil alam mo naman very high ang taste niya sa anumang bagay.

Hay, at least meron tayong one happy friend, Salve, si Ronite na alam na alam ang size ko sa shirts kaya love ko siya.

PPEs bonggang panregalo

Ibinigay na ni Bernard Cloma ang PPE na tulad ng give niya sa iyo na Mickey Mouse na fave ni Jinkee Pacquiao na gamitin.

Mukhang magiging Christmas present ngayon ang mga mask, face shield, PPE, alcohol, sanitizer at vitamins dahil nga pandemic, magiging practical na regalo ang mga essential.

Actually ‘yang PPE fashionable ha, dahil kahit saang magpunta si Tet  na favorite ko naka-PPE lagi, ‘di ba ikaw rin Salve parang fashion statement mo na at gusto mo iba-ibang color pag nasa Take It... tayo?

Palagay mo palitan na lang kaya ni Bernard ang utang niyang gloves kay Lynette ng Mickey Mouse PPE, maging happy kaya si Lynette? Tapos papirmahan na lang kay Champ Manny Pacquiao, o ‘di bah?

In fairness, si Bernard na favorite friend ni Jinkee Pacquiao, ‘pag sa akin nag-promise tinutupad niya, dahil alam niya na makulit ako at maingay kaya give niya agad, hah hah. Si Lynette kasi tahimik na babae at lagi lang naka-smile, kaya naka-four na boxing bout na si Manny Pacquiao wala pa rin ang gloves na promise ni Bernard.  Hahaha. Kaloka.

KRIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with