Kapalaran ng pelikula ni Vice sa MMFF, pinag-uusapan pa
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - October 25, 2020 - 12:00am

In-announce na nga ng Executive Committee ng Metro Manila Film Festival 2020 na pinangunahan ng MMDA Chairman Danny Lim na digital na ngayong taon.

Kaya sa nakaraang virtual mediacon ng MMFF, pormal nilang inilunsad ang kanilang partnership sa Globe Studios at Upstream para sa panibagong platform na ito ng filmfest.

Doon na rin ipinahayag ni Chairman Lim na hindi lang sa walong pelikulang kalahok ang magiging digital na, kundi pati na rin sa ibang activities ng MMFF gaya ng parade of stars at ang awards night.

Samantala, sa November 15 ay ia-announce na ang apat pang pelikulang kalahok mula sa mga isinumiteng finished films.

Nakipag-meeting na rin sila sa mga producer at tila nagpapakiramdaman lang ang iba kung ipapasok nila ang kanilang entry lalo na ang mga napili sa Summer MMFF na hindi natuloy dahil sa panemya.

Sinasabi na kasi namin noon pa na sana ipasok na ng Viva ang A Hard Day ni Dingdong Dantes.

Napapag-usapan na rin kasing baka umatras na raw ang Praybeyt Benjamin ni Vice Ganda dahil hanggang ngayon ay wala pang balita kung nagsimula na silang mag-shoot.

Magkakaalaman naman daw lahat sa November 15, at iyun ang ating aabangan.

Ruffa magpapaka-jologs muna sa serye

Hindi isyu kay Ruffa Gutierrez na ginawa siyang replacement kay Carmi Martin sa digital series ng Star Cinema na The House Arrest of Us ng KathNiel.

Ikinuwento nga ni Ruffa na tinawagan daw siya ng Star Cinema tungkol sa project na kung tatanggapin niya, kinabukasan daw ay magpa-swab na siya.

Tinawagan daw niya si Karla Estrada at tinanong tungkol dito, sinabihan daw siyang tanggapin na ito at maganda ang project. Hindi raw niya inisip na parang ang bata pa niya na maging nanay ni Kathryn Bernardo, dahil inaanak naman daw niya si Daniel Padilla.

Kaya tinanggap na raw niya at in-adjust ang role niya para bumagay sa kanya. At puring-puri ni Ruffa sina Daniel at Kathryn na napaka-professional daw katrabaho at napakabait. “I really love working with Kathryn because siyempre it’s my first time to work with her, although my kids are KathNiel fans and ilang beses na kami nag-meet ni Kathryn and I must say na talagang napakabait na bata. Wala talaga silang ere sa pagiging superstar nila, wala silang ka-feel feel na sikat sila.

“I had such a great time working with them and I hope to work with them in the future,” pakli ni Ruffa.

At nagulat pa raw siya nang ipinaalala pa sa kanya ni Daniel na nung bata pa raw ito ay binigyan daw siya ni Ruffa ng Christmas gift na pera. At ang perang iyun ay nabili raw niya ang gustung-gusto niyang sapatos. Kaya na-enjoy daw niya ang taping sa The House Arrest of Us kahit first time niyang gumanap na nanay ni Kathryn.

Ngayon ay sisimulan na rin ni Ruffa ang bagong drama series sa TV 5 na Stay in Love na pagbibidahan nina Mariz Racal at Kokoy de Santos na ididirek ni  Rod Marmol.

Excited si Ruffa sa role niya rito na kung saan gagampanan niya ang isang  boss na yumaman daw sa pagbebenta ng mga cheap perfumes. Taga-Tondo raw siya sa seryeng iyun kaya parang gusto raw niyang tsikahin si Yorme Isko Moreno kung paano raw ba magsalita ang taga-Tondo.

MMFF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with