PPP4 145 na pelikula ang ipalalabas, mga âpirataâ tutok na...
PPP4 145 na pelikula ang ipalalabas, mga ‘pirata‘ tutok na...
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2020 - 12:00am

Reopening ng mga sinehan at concert venues next year na, Christmas parties bawal din

Wow, literal na isang malaking pagtitipon ng samu’t saring pelikula ang ika-4 na edisyon ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na magpapalabas pala ng hindi bababa sa 145 na pelikula — 67 na full-length films at 78 na short films, ayon sa Film Development Council of the Philippines - FDCP - na gaga­napin mula Oktubre 31 hanggang Nob­yembre 15.

Kaya naman inaanyayahan ng FDCP ang lahat ng stakeholders na makiisa para sa industriya ng pelikula sa bansa na matinding tinamaan ng pandemya. Ang “Sama All!” na slogan, na tampok sa PPP4 poster, ay imbitasyon diumano nila na ang key elements ay kumakatawan sa mga pelikulang kasama sa 14 na sections ng online festival : PPP Short Films, Romance, Youth & Family, Classics, PH Oscar Entries, Genre, Bahaghari, Tribute, From the Regions, Documentaries, PPP Retro, Special Screenings, CineMarya, at PPP Premium Selection.

Ayon pa kay FDCP Chair Liza Diño, ang slogan na PPP4, Sama All! ay hindi lamang para sa filmmakers kung hindi sa mga manonood din para mapahalagahan nila ang Philippine Cine­ma at makatulong sa hangarin ng ahensiya na makapagbigay ng suporta sa industriya ng pelikula sa gitna pa rin ng pandemya.

Lahat diumano ng proceeds mula sa sales ng PPP Festival Passes ay mapupunta sa lahat ng producer na kasali sa PPP ngayong taon.

“This year’s PPP may be different, but I assure that it will continue to celebrate the heritage and potential of our film industry by spreading the love for Philippine Cinema. The festival will also promote solidarity because ultimately, PPP 4 is one way to help sustain the Filipino film industry in light of the pandemic’s devastating effects,” pahayag pa ni Ms. Diño.

Maliban sa QCinema, Sinag Maynila, Sine Kabataan, at CineMarya, tampok din sa PPP4 ang mga pelikula mula sa iba’t ibang producer at mula rin sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, CineFilipino Film Festival, at ToFarm Film Festival.

Ipapalabas naman ng Special Screenings section ang Mula sa Kung Ano ang Noon ni Lav Diaz.

Mapapanod mula Oktubre 31 hanggang Nob­yembre 15 sa FDCPchannel.ph platform. Ang Early Bird Rate Pass na PHP 450 para sa 16-day Full Run Pass (PHP 599) ay mabibili hanggang Oktubre 15 lamang - tapos na. Ang iba pang subscription options ay ang Half Run Pass (PHP 299) para sa walong araw, Day Pass (PHP 99), at Free Pass (para sa short films at public events). Simula Oktubre 16, magkakaroon na ng discounts para sa persons with disabilities (PWDs) at senior citizens (20%) at mga mag-aaral (30%).

Wala pang feedback kung gaano na karami ang nag-avail ng mga ibinebentang pass.

Ang medyo nakaka-worry lang dito ay baka ma-pirate ang mga pelikulang ipalalabas dahil paano kaya babantayan ang digital showing ng mga ito?

Kasi hindi mo naman mababantayan lahat ng mga manonood kung nasa kani-kanilang mga bahay-bahay lang.

Kung wala nga silang access to download pero baka naman mai-record at the following day nagkalat na sa ibang social media platforms.

Ahh parang mas mahirap itong bantayan kesa ‘yung mga namimirata sa mga sinehan physically.

Ano kayang gagawin ng FDCP, unless may nakahanda silang security measure sa mga magsu-subscribe at magda-download ng mga pelikulang kasali na aabot nga raw sa 145.

Sa kasalukuyan, malabo pa talagang magbukas ang mga sinehan lalo na nga at ang recommendation ng mayors ng National Capital Region (NCR) ay magkaroon ng general community quarantine up to December ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sinabi kasi ni MMDA general manager Jojo Garcia na dini-discourage ng mayors ang reopening ng cinemas, resumption ng concerts at maging Christmas parties ng private sectors.

“Yung ginawa po  natin diyan na plano is GCQ hanggang end of the year kasi sabi po ng mga mayor natin mas madali ‘yung magluwag unti-unti kesa MGCQ kaagad na 100%, saka tayo magbabawas.

“Ibig sabihin, gradual po lahat ng increase depende po sa sitwasyon. At nakita naman po natin lahat po ng hiniling ng economic team binibigay ng NCR mayors,” sabi nito sa briefing sa Malacañang.

So clear na wala talagang sinehan until the end of the year. Wala ring concerts at lalong mas nakaka-sad hindi puwede ang Christmas parties na tradition nating mga Pilipino pag Pasko, kung matutuloy ang hiling ng Metro Manila mayors.

Oww kinda sad Christmas...

CHRISTMAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with