^

PSN Showbiz

Bayani, puring-puri si Luis

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Bayani, puring-puri si Luis
Bayani
STAR./ File

Nilinaw sa amin ni Bayani Agbayani na kahit magkakaroon sila ng show sa TV5, hindi raw sila exclusive artists ng naturang network. Blocktimer naman daw ang producer ng shows nila kaya puwede pa silang umapir sa show ng Kapamilya Network na napapanood sa A2Z Channel 11.

Si Bayani ang isa sa regular hosts ng Lunch Out Loud na magsisimula na ngayong tanghali sa TV5 kasama sina Alex Gonzaga at Wacky Kiray na kasama rin niya sa I Can See Your Voice.

Nagpaalam daw siya kay Cong. Albee Benitez ng Brightlight Productions na kung sakaling babalik daw ang I Can See Your Voice, puwede raw bang kasali pa rin siya roon.

Kuwento ni Bayani nang nakapanayam namin sa DZRH noong nakaraang Miyerkules, “Nagpaalam ako kay Cong. Albee (Benitez) at kay Pat P (Daza) na kailangan ko pa rin suportahan ang ABS-CBN, ‘go Yani go’ sabi nila. Nagpaalam din ako kay Tita Kitchie Benedicto du’n sa Saturday and Sunday namin na show, sabi nila sige Yani okay yan, pinagbigyan nila kami. Kasi sabi nga, hindi naman kami exclusive eh. Kasi blocktimer naman eh.”

Bago kinuha si Bayani sa Lunch Out Loud, nakapag-commit na siya ng dalawang shows sa TV5. Ang isa ay sitcom kasama si Aga Muhlach, at ang isa ay game show kasama ang isang actor/politician. Kaya ang suwerte niyang may tatlo siyang show sa TV5.

Pero pinakiusapan daw siya ni Luis Manzano na kung sakaling ibabalik ang I Can See Your Voice, dapat ay kasama siya.

Ewan ko lang kung ganu’n din kina Alex at Wacky na regular din sa programang ito ni Luis.

Ang laki ng pasasalamat ni Bayani sa suporta ni Luis na ipinarating sa kanila noong nagsimula na sila sa LOL. “Nakakatuwa si Luis, pumasok siya sa thread namin sa Viber. Ginreet niya kami, kinongratulate niya kami. Tapos niya mag-congratulate, nag-left na siya.

“Alam n’yo si Luis napakabuting tao, nakuha niya ang kabutihan ng nanay niya, ng tatay niya. Napakabuti niyang artista. Wala kang masasabi,” papuri ni Bayani kay Luis.

Klinaro rin ng komedyante sa amin na bago niya tinanggap ang mga programa niya sa TV5, ipinagpaalam daw niya ito sa bosses niya sa ABS-CBN na sina Cory Vidanes at Linggit Tan.

Excited si Bayani sa Lunch Out Loud dahil simula pa lang daw nila, nagpamudmod na raw sila ng kadatungan. “Sa 300 katao binigyan ng tig P500 sa umpisa pa lang ng show. Pinasasabi ni Cong. Albee na kailangan nating magbigay ng tulong at magpasaya ng mga tao sa panahon ng pandemic,” sabi pa ni Bayani.

Monsour,  15 years na ang huling pelikula

Isa sa ipinagmamalaking pelikulang kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino ay ang Pinoy action film na Blood Hunters, Rise of The Hybrids na bale pagbabalik na rin ni Monsour del Rosario sa pelikula.

Umani ito ng papuri at parangal sa ilang international film festivals, gaya ng Urban Action Showcase International Action Film Festival sa New York. 15 years ago pa ang huling pelikula niya kasama si Ronnie Ricketts.

Dinirek ito ng isa ring Muay That World   at MMA Champion na si direk Vince Soberano.

Si direk Vince ang siya ring action director ni Dingdong Dantes sa A Hard Day na kasali dapat sa 1st Summer Metro Manila Film Festival.

Pang-international ang dating ng pelikula pero Pinoy na Pinoy ang mga action scenes gamit ang mga weapon ng Pinoy martial arts, kagaya ng kutsilyo, at iba pa.

Kaya nagwagi ito sa New York film festival ng Best Martial Arts Fight Sequence, Best Martial Arts Weapons Sequence, Best Action Film, at marami pa.

Inaasahang tatangkilikin ito na mapapanood muna online sa FDCP Channel sa buong duration ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2020.

“Gusto kong bumalik pero dapat yung role ‘yung maganda, ‘yung babagay sa kung ano yung role ng isang artistang katulad ko noong dekada 90 na bida sa mga action films,” pakli ni Monsour sa tanong namin kung magbabalik-showbiz na ba siya.

Ang Blood Hunters ay bahagi sa Premium Selection ng PPP 2020 na may temang Sama All.

Mabibili n’yo ang ticket na Premium pass sa halagang P459. Dito ay mapapanood na ang lahat na mga pelikulang bahagi ng PPP.

Meron ding ticket na Day pass sa halagang P99 at Half Run pass na P299. May discount ang  PWDs, senior citizens at mga estudyante.

Makikita n’yo ang schedule at updates tungkol sa filmfest sa FDCPchannel.ph o sa kanilang facebook.com/FDCPPPP.

vuukle comment

TV5

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with