Bea, mas gustong maging soldier of arts kesa ituring na reyna
Bea
Bea, mas gustong maging soldier of arts kesa ituring na reyna
SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - October 8, 2020 - 12:00am

Kilala si Bea Alonzo sa pagiging isa sa pinakamagaling na aktres sa kanyang henerasyon. Nabansagang movie queen dahil pumatok sa takilya ang mga pelikulang nagawa ng dalaga. “Cliché as it may sound, I never considered myself a queen. In our generation, there are a lot of queens. There is Angel Locsin, Toni (Gonzaga), Marian (Rivera), Anne (Curtis), Sarah (Geronimo), I never considered myself as one. I consider myself as a soldier of the arts,” makahulugang pahayag ni Bea.

Abala ang aktres sa pagbibigay ng tulong sa mga na-ngangailangan sa pamamagitan ng I Am Hope Organization na kanyang pinangungunahan. Bukod sa mga frontliners ay ilang mga barangay na rin na labis na naapektuhan ng covid-19 pandemic ang natulungan ng naturang charity organization. “My social responsibility first is to get roles that will inspire people and to also do social work para din ma-inspire sila, Siyempre I have to do something to give back especially to those who I have worked with for so many years. And also to create projects that would support the industry as well, not only monetary but also in terms of arts. In terms of being proud of it and showing it to the world and letting everyone see what we are capable of,” paliwanag ng dalaga.

Juday, handang matutong gumawa ng prosthetics / makeup

Isa si Judy Ann Santos sa mga artistang magaling magluto. Bukod sa pagkakaroon ng sariling cook book at YouTube channel na Judy Ann’s Kitchen ay mayroon na ring ilang restaurant ang pag-aari ng aktres. Taong 2006 nang magpasyang mag-enroll sa isang culinary school si Juday. “Ang habol ko talaga sa pag-aaral ng culinary is I want to be a good example to Yohan. Si Yohan pa lang ang anak namin noon. I want her to be inspired to finish her studies kasi baka sabihin niya, ‘Bakit ako magka-college, ikaw nga hindi?’ Ano isasagot ko? Oo nga naman, may point,” kuwento ni Judy Ann.

Malaki ang naging impluwensya ng asawang si Ryan Agoncillo sa aktres sa pagkuha nito ng Culinary course. “Nasa crossroads ako noon eh. Pero alam ko in my heart, I want to learn something I want to go back, I want to study something. Pero si Ry alam na niya na mahilig ako magluto,” dagdag ng Young Superstar.

Bukod sa pagluluto ay marami pang ibang bagay na gustong pag-aralan noon si Juday. Ayon sa aktres ay talagang interesado siyang tuklasin at matutunan ang ilang bagay na may kinalaman din sa show business. “Ang una ko talagang gusto pag-aralan ay makeup, prosthetics. Gusto ko siya pag-aralan, parang may interes ako doon sa thought na ang sarap panoorin ng mga make-up artists who could do prosthetics. Para sa akin ibang skills ‘yon,” paliwanag ng aktres. (Reports from JCC)

BEA ALONZO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with