KathNiel, umamin sa kasal!
KathNiel
KathNiel, umamin sa kasal!
SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - October 1, 2020 - 12:00am

Mapapanood na simula October 24 ang The House Arrest of Us na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa KTX.ph at iWantTFC. Ito ang pagbabalik-tambalan ng magkasintahan kaya siguradong pakaaabangan ng kanilang mga tagahanga.

Para kay Kathryn ay ibang-iba ang karanasan sa trabaho ngayon dahil sa safety protocols na ipinatutupad dahil sa banta ng covid-19 pandemic. “Kakaiba ang experience na parang nandito kami sa isang village style subdivision. Walang pwedeng lumabas, walang pwedeng pumasok. So kami-kami lang talaga ang nandito,” paglalahad ni Kathryn.

Unang pinag-usapan sa social media ang tungkol sa pagpapakasal na umano nina Kathryn at Daniel. Parte pala ng kwento ng The House Arrest of Us ang pag-iisang-dibdib ng KathNiel. “We’re getting married,” nakangiting pahayag ni Kathryn. “Sa pinakabagong handog sa atin ng Star Cinema,” dagdag naman ni Daniel.

Binubuo ng labingtatlong episodes ang bagong proyekto ng KathNiel. Hindi sequel o prequel ng pelikulang The Hows of Us na pinagtambalan din nina Kathryn at Daniel noong 2018 ang The House Arrest of Us.

Kabilang din sa naturang digital movie series mula sa Star Cinema sina Ruffa Gutierrez, Gardo Versoza at Dennis Padilla.

Sinisiguro nina Kathryn at Daniel na talagang makapagbibigay ng kasiyahan ang kanilang bagong proyekto sa mga manonood na patuloy na humaharap sa krisis na dulot ng pandemya. “Riot, as in. Ang interes-ting niya kasi magkakaiba ang personalities naming lahat ‘pag nagsama-sama, riot dito sa set. Hindi na nga namin namamalayan na sobrang maingay kami,” pagbabahagi ni Kathryn.

“Kaya namin ginawa ito ay dahil gusto naming bigyan ng kasiyahan ang mga tao. Ngayon sa panahon natin na ang daming binibigay na pagsubok, problema, gusto naming magbigay ng ngiti,” pagtatapos naman ni Daniel.

Billy, no. 1 bitch ang tingin kay Vice

Isa si Billy Crawford sa mga hosts ng Lunch Out Loud na bagong noontime show na mapapanood sa TV5 sa mga susunod na linggo. Matatandaang ilang taon ding naging bahagi ng It’s Showtime ng ABS-CBN ang singer-actor.

Hindi man direktang magkakalaban ang mga naturang programa sa free TV ay magkakabangga pa rin naman ang mga ito sa timeslot. Kamakailan ay emosyonal na nakapag-usap sina Vice Ganda at Billy sa online na Gabing Gabi na Vice. “I just want to say thank you. Thank you sa pagkakaibigan at pagpapakatotoo mo sa akin. Ipaglalaban ko kayo ng patayan, Vice. Trust me, kahit anong mangyari, tatawagan pa rin kita at sasabihin ko. Ikaw pa rin ang pinaka-number one bitch sa buong buhay ko. Mahal na mahal ko kayo,” naiiyak na mensahe ni Billy kay Vice.

“Sa pamilya mayroon naman talagang kapatid na lilipat ng bahay. Pero hindi porke’t lumipat na siya ng bahay ay hindi mo na siya kapatid, or hindi mo na siya kapamilya, hindi mo na siya mahal. Maaaring lumipat siya ng bahay, pero family pa rin tayo. Kaya kahit lumipat ka ng bahay, kahit saang bahay man tayo mapunta, family kita at magkapamilya pa rin tayo. Kahit magkatapat ang mga bahay natin, family pa rin tayong dalawa. Magkakawayan tayo sa magkatapat nating mga bahay at susuportahan natin ang isa’t isa,” sagot naman ni Vice kay Billy. (Reports from JCC)

BILLY CRAWFORD DANIEL PADILLA KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with