^

PSN Showbiz

Brokenhearted, stressed: Rhian Ramos nag-'open up' sa pagbulusok ng timbang

James Relativo - Philstar.com
Brokenhearted, stressed: Rhian Ramos nag-'open up' sa pagbulusok ng timbang
Ilan sa pinakabagong litrato ni Kapuso actress Rhian Ramos, kung saan pansin na pansin ang ipinayat
Mula sa Instagram account ni Rhian Ramos

MANILA, Philippines — Matapos ang ilang buwang pang-iintriga ng netizens at bashers sa biglaan niyang pagpayat, binasag ni Kapuso actress Rhian Ramos ang kanyang katahimikan hinggil sa mga binubunong problema — hindi lang sa kalusugan ngunit pati na sa puso't buhay-pamilya.

Ito ang inilantad ni Rhian sa kanyang vlog nitong nagdaang Huwebes, bagay na nagbigay ng kasagutan sa sandamukal na katanungan at espekulasyon ng mga tao online.

 

 

"I went through a break up, and it was so hard. ... I had a really hard time guys," sambit ng aktres habang tinutukoy ang kanyang Israeli ex-boyfriend na si Amit Borsok.

"And not just 'cause I'm brokenhearted and like shattered but... other things in my life were giving me a lot of stress."

Maya't maya rin daw siyang nababagabag hinggil sa pagbabalik-trabaho at pagkakawalay sa kanyang ina, na naninirahan ngayon sa Alabang: "I don't want to expose her to anything that I'm exposed to," sabi niya, na wari'y tumutukoy sa banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Doble-kayod din daw siya ngayon upang mabilis na makakuha ng condo upang matiyak na ligtas mula sa kanya ang kanyang pamilya.

"Now looking back, I really could have taken better care of myself. I was in so much pain and under so much stress. And I wasn't getting out of my bed," dagdag pa niya.

"I wasn't sleeping right. I couldn't eat. Nothing tasted like anything. I was under so much stress that my body just basically started eating itself."

Ang masaklap pa raw dito, inaakala ngayon ng marami na "sinadya" niya itong gawin sa sarili matapos magpahinga sa social media nang saglit.

 

Ayon kay Dra. Vicki Belo-Kho, tanyag na dermatologist at television personality, 15 pounds ang nabawas sa timbang ng aktres. Dahil diyan, lalo pa raw naging "loose" ang kanyang balat. Sinusubukan rin nilang ayusin ngayon ang dark spots sa ilalim ng mata ng aktres, na sanhi ng kakulangan sa tulog.

Sa kabila ng kanyang mga pinagdaraanan, ipinakikita naman ng aktres kung paano niya sinusubukang mapanumbalik ang healthy lifestyle, gaya na lang ng pag-eehersisyo at pagkain nang marami.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Rhian Ramos (@whianwamos) on

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Rhian Ramos (@whianwamos) on

 

Sa kabila ng mga masasakit na salita, taas-noo ang aktres ipagpapakita ang tunay na siya — nasa proseso man ng pagkumpuni sa mga napinsala ng sari-saring suliranin. 

"Look back less. The now is the perfect place to be," buong-kumpiyansang sambit ng aktres sa kanyang Instagram post ngayong Lunes.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Look back less. The now is the perfect place to be ?

A post shared by Rhian Ramos (@whianwamos) on

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Rhian Ramos (@whianwamos) on

 

Pinasalamatan naman niya ang lahat ng nagpakita ng kanilang malasakit sa gitna ng kanyang pinagdadaanan ngunit tiniyak na magiging okay din siya sa paglaon ng panahon.

May maanghang na mensahe naman si Rhian sa mga wala nang inatupag kundi kutyain ang kanyang pangangatawan: "To those of you who left comments for me just to tell me how ugly and disgusting I am, shame on you guys," sabi niya habang nakangarat ang hinlalato.

 

vuukle comment

BODY-SHAMING

GMA-7

RHIAN RAMOS

WEIGHT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with