^

PSN Showbiz

Male personality inilaglag ang inutangan, mas pinili ang BFF

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Mainit ang pangalan ngayon ng isang kilalang male personality sa kanyang mga dating kasamahan. Kung saan nag-uugat ang kanyang tampo sa mga dati niyang katrabaho ay siya lang ang nakakaalam.

Nangangailangan ng trabaho ngayon ang kanilang grupo, maraming personalidad na pagkakakitaan ang hinahanap ngayon, pero duda ng kanyang mga kagrupo ay inilaglag sila ng kilalang male personality.

Unang kuwento ng aming source, “Kasi nga, di ba, isa ang male personality na ‘yun sa mga maagang nagkaroon ng trabaho sa ibang network? Sinuwerte siyang makalundag agad-agad.

“Meron na siyang show, baka nga may madagdag pang ibang programa para sa kanya sa nilipatan niyang network, nu’ng nagpipilian na ng mga magiging host ng isang show na kasama siya, e, nagrekomenda siya ng kaibigan niyang male personality.

“Meron na sanang nakuha, pero biglang nagbago ang cas­ting, ipinasok kasi ng male personality ang kaibigan niya! Si­yempre, pareho silang Inglisero, kaya napasama ang kaibigan niya sa show,” pahayag ng aming impormante.

Ang umiikot na kuwento ay puwede namang sa mga da­ting kasamahan niya sa isang programa siya pumili ng dagdag na host pero hindi niya ‘yun ginawa.

Patuloy ng aming source, “Ano ba namang since siya ang tinanong kung sino pa ang puwedeng idagdag, e, pumili siya ng isa o dalawa mula sa mga dating kasamahan niya, di ba?

“Pero ang inirekomenda nga niya, e, ang bestfriend niyang nakapagho-host din naman, pero mas mahusay naman at sanay na ‘di hamak ang mga dati niyang kasamahan!

“Kaya nga ang kuwento, e, sinadya raw ‘yun ng male personality dahil may nakatago siyang inis sa mga dati niyang katrabaho sa isang show. Ang dahilan? Ang matagal na niyang utang sa tropa na hanggang ngayon, e, hindi pa rin niya nababayaran.

“Kailangan ba siyang mainis, e, utang ‘yun at hindi naman niya hiningi? Pinautang siya ng mga katropa niya sa pangakong magbabayad din naman siya agad dahil may ibinebenta kuno siyang property, pero wala naman pala!

“Naku, siya ang pinagpipistahan ngayon, inilaglag daw niya ang grupong inutangan niya, ang BFF niya ang inirekomenda niya sa production,” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Jay Sonza nakahanap ng katapat

Sensitibo ang lahat ngayong panahon ng pandemya. Dahil sa kaliwa’t kanang problema ng kahirapan dala ng COVID-19 na kung kailan matatapos ay siyensiya lang ang makasasagot ay talagang madaling maapektuhan ang buong bayan.

Nagkasunud-sunod ang paghahain ng kaso ng mga kilalang personalidad. Una ay si Catriona Gray dahil sa isyu ng fake niyang mga retrato na pinagpistahan ng buong bayan.

Sumunod ay si Liza Soberano na tungkol naman sa bantang rape na ipinost ng isang empleyado ng telecommunications company na pinagtatrabahuhan nito.

At ang ikatlo ay ang pagsadya sa NBI ni Julia Barretto, ng kanyang inang si Marjorie at ng kanilang abogado, para idemanda ang beteranong broadcaster na si Jay Sonza.

Komento ng aming kaibigang propesor, “Mainit ang ulo ng mga artista ngayon dahil sensitive sila sa kundisyon ng buong bayan. Saka kahit hindi pandemya ngayon, e, karapatan nilang kasuhan ang mga sa opinyon nila, e, nag-violate sa privacy nila.”

May mga nagkokomento rin na dahil maluwag ang oras nga­yon ng mga personalidad ay matututukan nila ang pang-aasunto. May sapat silang panahon para sa pagdinig ng kasong ihinain nila.

Pero kahit siguro mahigpit ang kanilang schedule ay sa korte pa rin ang tuloy ng mga inabot nina Liza Soberano at Julia Barretto.

Hindi ginagawang biro ang isyu ng rape, kailangang turuan ng leksiyon ni Liza ang babaeng nag-post ng malisyosong banta laban sa kanya, kahit pa humingi na ito ng dispensa.

Lalo namang masakit ang nangyari kay Julia Barretto, sa paraan ng pagkaka-post ni Jay Sonza sa kanyang FB account ay napakasigurado ng beteranong broadcaster na nagdadalantao nga si Julia na si Gerald Anderson ang ama, nakuryente ang dating news anchor sa kanyang “scoop.”

Humingi na rin ng dispensa si Mang Jay sa kanyang fake news, pero hindi ‘yun pinakinggan ng pamilya ni Julia, tuloy ang kaso ng cybercrime laban sa naglabas ng kuryenteng kuwento.

Sabi uli ni prop, “Marami nang inilalabas na kuryenteng kuwento si Jay Sonza, it’s about time na magpreno na siya, si Julia Barretto pala ang katapat niya!”

vuukle comment

UBOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with