Gretchen mas harbatera noon kesa kay Dawn
Dawn
STAR/ File
Gretchen mas harbatera noon kesa kay Dawn
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - September 25, 2020 - 12:00am

Parang very close ang mag-asawang Anton and Dawn Zulueta-Lagdameo kay Mayor Toby Tiangco. Kasi napansin ko tuwing may post si Papa Toby, halos laging nauuna si Dawn sa pagbibigay ng comment.

Naalala ko lang na napakabait at very sweet ni Dawn na nakasama ko nang dalawang beses sa abroad at isa rin sa naging host ng Startalk namin noon ni Boy Abunda.

Aside from very sweet, masarap siyang kasama at naging very loyal na alaga ni Bibsy Carballo.

Hindi ko malilimutan noong magkasama kami sa biyahe sa Guam at Saipan, na merong mga producer ng show na binibigyan kami ng mga regalo at pinamimili kami sa mga tindahan nila.

Kung si Gabby Concepcion, Gretchen Barretto at Rustom Padilla get sila nang 10 items sa tindahan ng isang nag-alok sa amin, si Dawn dalawang items lang ang kinukuha, kung minsan wala pa.

Tinanong ko kung bakit (kaunti lang ang kinukuha niya), ang sagot niya, sayang kasi hindi naman niya gagamitin o kaya hindi naman niya type ‘yung item. Samantalang ‘yung tatlo, sina Gabby, Gretchen at Rustom, get lang nang get, hah hah, parang ako lang na panay ang harbat.

Saka si Dawn, tahimik lang, hindi papansin at hindi nakaw-eksena. Mukha siyang isang very loyal friend, kaya siguro magkakaibigan sila ng pamilya ni Mayor Toby na isa ring mabait at very kind na tao.

‘Yung pakikiramay ni Dawn at ng pamilya niya kay Mayor Toby, parang nawalan din siya ng tatay sa pagkamatay ni Daddy Resty Tiangco.

Muli, ang aming pakikiramay kay Mayor Toby Tiangco.

And miss you a lot, Dawn Zulueta.

Bukod sa tatay ni Mayor Toby, nawalan din ng mahal sa buhay - mother si Benjie Paras na nasa Australia na namatay noong isang araw lang at ‘yung father naman ni Mayor Toby  ay namatay the other day.

Kahit pa nga mature at merong matatag na buhay sina Mayor Toby at Benjie, sure ako na their heart is grieving dahil sa pagkawala ng minamahal nilang ina at ama.

No matter how old you are, you will always be dependent to the loving presence of your loving parent.

Mas lalo pang malungkot dahil nasa Australia ang mother ni Benjie, at ang father naman ni Mayor Toby ay hindi niya nakikita dahil sa health protocols na sinusunod niya.

How I wish they can heal their grieving hearts faster, dahil nga ang sitwasyon nila ay hindi ordinaryo. Merong mga travel restrictions, meron silang mga trabaho na hinaharap, at ‘yung sense of duty nila kasing bigat ng nadarama nilang lungkot.

Our deepest sympathy, Mayor Toby and Benjie. We will pray for their souls.

They left so proud of their sons, dahil nakita nila ang naging achievements ninyo at pagmamahal sa kanila. Rest in peace.

DAWN ZULUETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with