Mel, binura si Jay sa kanilang portrait?
Mel Tiangco
STAR/ File
Mel, binura si Jay sa kanilang portrait?
(Pilipino Star Ngayon) - September 23, 2020 - 12:00am

Nag-sorry sa fake news...

Pinabura pala ni Ms. Mel Tiangco sa isang portrait ang mukha si Jay Sonza. Mahilig daw kasing mag collect ng portrait si Ms. Mel at minsan daw ay nag-deliver sa bahay niya ang isang artist.

At nagkataon na nakita niya ang nasabing portrait nila ng dating ka-close na broadcaster. Ayun, pinabura diumano nito sa artist.

Diumano ay sinabi ni Ms. Mel na ayaw na niyang nakikita every morning ang face ni Mr. Sonza na nagpaka-controversial sa pagpo-post ng fake news tungkol kina Gerald Anderson and Julia Barretto. Mabilis siyang binuweltahan sa fake news kaya naman agad-agad nag-sorry ang inactive na broadcaster at matagal nakatrabaho ni Ms. Mel : “Kung ganoon po, binabawi ko ang  aking masayang pagbati. Happy & excited kasi ako kapag may nabibiyayaan ng Buhay. Pasensiya na kung napaaga ang aking Congratulations. Itatabi ko na lang muna iyong regalo ko sa kanila.”

Saka hindi naman daw kasi taga-Barangay Bahay Toro si Gerald na kahapon ay may IG story na “Congratulations to me” na may mga kasamang emoji na alam mong pang-aasar lang.

Anyway, ang pagpapabura diumano ni Ms. Mel sa mukha ni Mr. Sonza sa isang portrait nila ang isa sa naging topic ng Take It… Per Minute, Me Ganun nina Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu pero as usual mabilis nahulaan ni Nay Lolit kaya naaliw ang live viewers kahapon ng no. 1 digital talk show sa Facebook page ng Pilipino Star NGAYON.

Anyway, sa mga hindi nakapanood ng episode kahapon na Beautederm ni Ms. Rei Tan ang main sponsor, maki-Team Replay na.

MEL TIANGCO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with