Grateful Tuesdays, mag-uumpisa na
Pinky Tobiano
STAR/ File
Grateful Tuesdays, mag-uumpisa na
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2020 - 12:00am

Matapos ang   matagumpay na first season   ng  show ni Chemist Pinky Tobiano na Essential Cleaning Tips kung saan bumuhos ang malala­king papremyo sa mga nanood ng programa, isang panibagong digital show ang dapat abangan sa kanyang pagbabalik.

Ito ay ang  Grateful Tuesdays beginning September 22, 2020, 7 p.m. to 8 p.m. sa Cornerstone Entertainment FB Page.

Itutuloy nila sa programa ang pagtulong sa mga kababayan nating malubhang naapektuhan ng pandemya.

Pag-uusapan din sa digital show ang viral stories sa social media na nag­papa­ki­ta ng kabayanihan ng mga Pilipino ngayong may health crisis at mga  inspi­ring stories na kinabiliban.

Every week din ay may isang barangay na  itatampok at bibigyan ng food packs sa tulong na rin ni Chemist Pinky at ng ilan niyang mga kaibigan.

Magiging co-host niya ang Pop Rock Superstar na si Yeng Constantino at si Charm Aranton na tinanghal na Grand Winner ng Witty 101 at kabilang na sa hanay ng mga artista ng Cor­ner­stone, na magsisilbing on-sight host na bibisita sa mga mapipiling barangay.

Hindi rin mawawala  sa show  ang ­cleaning tips na naging tatak na ni Chemist Pinky To­biano.

Sa unang episode ay magluluto sina Pinky at Yeng.

Mapapanood tuwing Martes ang Grateful  Tuesdays at kasabay din itong ipapalabas sa CSTV Kumu account.    

PINKY TOBIANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with