Mga bagong showbiz baby, naalagaang mabuti
Max Collins
STAR/ File
Mga bagong showbiz baby, naalagaang mabuti
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2020 - 12:00am

Katuwa naman iyon mga young mother natin ngayon, Salve.

May time sila na alagaan ang babies nila, like Coleen Garcia, Max Collins at Anne Curtis. Parang blessing sa kanila itong nangyaring lockdown dahil talagang hindi sila natuksong magtrabaho.

Talagang so lucky ang babies nila na hands on ang caring na nakuha nila sa mga mommy nila.

Katuwa nga si Solenn Heusaff na nagpi-painting habang karga ang baby.

Bongga ang mga young mother na ito na talagang tutok ngayon sa babies nila. At sa takbo nga ng showbiz, mukhang marami pa silang panahon with their babies.

Next year meron pang baby boom, another set of baby and child dahil sa lockdown pa rin.

Hay naku, the next generation of stars na born during pandemic and after, baka maging ibang breed, baka mas magaling at maganda, di bah!

Pinoy scriptwriters at directors dapat humabol sa mga koreano

Tuwang-tuwa ako nang mag-usap kami ni Vicky Elises, ang jeweler of the stars na bagong Koreanovela addict.

Mas gusto niya mga senior Oppa pero hindi niya alam mga pangalan.

Tuwang-tuwa siya dahil ito raw ang naging libangan niya during the quarantine period at hooked na nga siya.

Pareho kami na hindi memorize ang names, iyon lang title ng show, hah hah.

At napansin din niya na ang gaganda ng ngipin ng mga Ko­reano, of course ang mga kutis.

Saka talagang gaya ng ibang fanatics iyon istorya talaga ang magtataka ka kung bakit ang ganda ng story telling, kung paano nagagawang exciting ito kahit pa nga kung iisipin mo luma na rin ang plot.

Talagang kailangan makita na rin ng ating scriptwriters and directors ang magic ng phenomenon na ito ng Korean craze.

Pati music nila, naiiba na rin ang tunog, nakukuha mo ang message kahit hindi mo maintindihan ang lyrics kaya international na ang BTS at iba nilang popstars.

Saka the way they market their tourist spots, bongga ha. Marami talaga tayong dapat pag-aralan sa kanila, na kung tutuusin ang mga Koreano pumupunta dito para mag-aral.

Naku, huwag tayong masyado patalo, pag-aralan natin agad, para ma-apply natin at makuha kahit konti man lang sa mga naakit nila.

MAX COLLINS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with