Isang OPM debut, pasok sa K-drama series
Isang OPM debut, pasok sa K-drama series
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 19, 2020 - 12:00am

Wow. Pinatugtog sa kasalukuyang ipinapalabas na South Korean drama na Flower of Evil ang isang original Pinoy song para sa isang dramatic scene sa 7th episode ng hit tvN K-drama na pinagbibidahan nina Lee Jong-Gi at Moon Chae-Won.

Boses pala ‘yun ng Star Music singer-songwriter na si Sab na kanyang launching single at may titulong She.

Binigyang-buhay ng kanta ang eksena sa pagitan nina Gong Mi-Ja (Nam Gi-Ae) at ng kanyang apo na si Baek Eun-Ha (Jung Seo-Yeon).

Samantala, maaalala rin ng fans ng hit BL series na Hello Stranger ang She na nagdagdag ng kilig sa mga eksenang pinagsamahan nina Kookai (Vivoree Esclito) at Seph (Patrick Quiroz).

 Kabilang ito sa mga naging tagumpay ng awitin ni Sab, na naging bahagi rin ng Spotify New Music Friday playlists sa Thailand, Indonesia, Vietnam, Malaysia, Singapore, Taiwan, at Hong Kong, pati na rin sa isang Spotify Japan editorial playlist mula nang ito ay inilunsad ng Star Music noong Hulyo.

 Hindi ito ang unang pagkakataon na naging bahagi ng Korean shows ang isang OPM song mula sa Star Music.  Itinampok din ang No Hearts ng Gibbs sa music reality show na Good Girl at sa K-drama na Find Me in Your Memory ngayong taon. 

Wow at least kahit papaano, nakakasingit tayo sa mga K-drama na kinababaliwan ng mga Pinoy.  

K-DRAMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with