Katawan ni Andrea kinumpara kay Kim Kardashian

Andrea
STAR/ File

Ginulat ni Andrea Torres ang kanyang followers nang mag-post sa Instagram ng black and white photo ng kanyang kamangha-manghang sexy figure.

Bumuhos ang positive comments mula sa netizens na tila na-inspire sa magandang pangangatawan ng aktres, “That’s the real and legit definition of the word sexy!”

Dagdag pa ng isang netizen, mukhang si Andrea raw ang Kim Kardashian ng Pilipinas.

Hindi rin pinalampas ng kanyang nobyo na si Derek Ramsay na pusuan ang post nito.

Samantala, muling mapapanood sa telebisyon si Andrea sa pinakabagong offering ng GMA-7 na I Can See You: The Promise kasama sina Paolo Contis, Yasmien Kurdi at Benjamin Alves.

Show comments