KathNiel, pumayag magpa-lock in para sa pelikula
KathNiel
STAR/ File
KathNiel, pumayag magpa-lock in para sa pelikula
YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - September 16, 2020 - 12:00am

Naku, Ateng Salve, masaya lang na dumarami na talaga ang showbiz works kahit matindi pa rin ang COVID-19 pandemic, huh!

This weekend na raw ang simula ng lock-in shoot para sa digital project nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla under Star Cinema.

Sabi ng isang nakatsikahan ko, sa Batangas ang lock-in shoot nila ng series na ito na hindi sure kung sa iWantTFC app lang ipapalabas.

Siyempre, mag-fiancé naman ang KathNiel, kaya wala talagang problema sa dalawa ang lock-in shoot na ito, ‘noh?!

As of yesterday nga pala, nagka-casting pa rin at ngayon yata ang swab test ng lahat ng kasali sa shoot ng KathNiel movie.

Maganda raw ang istorya ng digital pro­ject na ‘yon nina Kathryn at Daniel, kaya for sure na matutuwa ang kanilang fans dahil noon pa naman sila humihirit ng bagong project ng dalawa sa ABS-CBN, huh!

Ikaw, Ateng Salve, excited ka na rin ba sa project ng mag-fiancé?

Pokwang, handang humarap kay Luchi

Sa tsikahan namin ni Ms. Luchi Cruz-Valdes, ang chief ng TV5 News and Public Affairs, naikuwento niya na na-touch siya dahil nagpasabi raw si Pokwang na willing itong mag-guest sa Usapang Real Life magazine talk show niya na napapanood sa nasabing TV network tuwing Saturday, 9:00 p.m.

Ang bongga nga raw ni Pokwang, dahil nag-dialogue ang comedian na willing itong pumunta sa bahay ni Ms. Luchi, para hindi via Zoom app lang ang tsikahan nila. O, ‘di ba naman na ngayong uso na puro Zoom app lang ang mga interbyu, mag-e-effort daw si Pokwang na pumunta sa bahay ni Ms. Luchi, huh!

Ang bongga lang, Ateng Salve.

Natutuwa nga rin pala si Ms. Luchi, dahil ang mga celebrity na ina-approach nila ay pumapayag na mag-guest sa kanyang Usapang Real Life.

May mga representative na rin daw ng ilang politicians na nagpapasabing gustong mag-guest ang kanilang mga boss, pero sa ngayon pala ay ayaw muna ni Ms. Luchi na haluan ng political figures ang kanyang show.

Puwede ‘yung mga katulad ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na artista rin naman, kaya nga nakatsikahan niya ito with Congresswoman Lucy Torres-Gomez na mga kilalang celebrity.

Anyway, dahil sa Usapang Real Life ay parang mas bumongga pa ang career ni Ms. Luchi, huh! Nice! ‘Yun na!

KATHNIEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with