Zia magaling sa Tala

Zia Dantes

Super fan pala ni Sarah Geronimo si Zia Dantes.

Mismong si Marian Rivera ang nag-chika na kilig ang anak nila ni Dingdong Dantes sa misis ni Matteo Gudicelli.

At ang nakakaliw, ang husay daw mag-Tala ni Zia. At lalo pa raw kinilig si Zia nang mag-send ang common friend nila ni Sarah na si Ranvel Rufino ng video ni Sarah na nagha-hi kay Zia. “Si Ranvel kasi business partner sila ni Dingdong. One time, pinadala ni Dingdong kay Ranvel ang video ni Zia na nagta-Tala. So one time yata kasama niya (Ranvel) sila Matteo and Sarah. Nag-video at ang sabi ni Sarah ‘Hi Zia. Good job. Ang galing mong mag-Tala.’ Dyosko day kilig na kilig ang anak ko,” kuwento ni Marian last weekend sa Zoom chikahan with the press. Sabay pakita nga niya ng video ni Sarah for Zia.

Na-mention din ni Marian na hindi aware ang anak nila ni Dingdong na social media darling siya at lahat nang i-post nila tungkol sa anak ay nagti-trending. “Parang hindi siya aware. Bata pa naman siya.”

Pero alam naman daw nitong mga artista sila at public figure. Though iba na raw ngayon si Zia, marunong nang mahiya unlike before. “Dati parang pag nakikita niya ang sarili niya sasabihin niya ‘that’s me, ‘that’s me’ ngayon hindi na, nahihiya na siya.”  Yung age niya raw kasi, magpa-five years old na, so parang conscious na.

School ang priority ni Zia kaya natawa si Marian nang banggitin sa kanya na baka nga si Zia ang hinihintay ng Darna dahil hindi na naman nga ito natuloy.

Show comments