Bagong BL series, nasa free TV na

Level up ang bagong BL (boys’ love) series na My Extraordinary.

Hindi na lang sila sa social media platforms mapapanood, nasa free TV na sila.

Eere nga ang My Extraordinary BL series starring Darwin Yu and Enzo Santiago sa TV5 and GagaOOLala.

Nauso at nag-hit ang BL series nang mag-umpisa ang quarantine sa bansa kaya naman marami ang na-inspire na gumawa nito.

Game ang dalawang young actor sa mga exciting scenes ng series na formally introduced sa entertainment media / bloggers via Zoom conference last Sunday.

Si Darwin who 21-year-old ay na-moinate nang best actor sa 2017 Madrid International Film Festival and PMPC Star Awards for Best New Movie Actor.

Habang si Enzo is a 19-year-old charmer who had a number of acting gigs including Kathryn Bernardo-Daniel Padilla horror-fantasy drama La Luna Sanggre and Boy Abunda Originals: A Trilogy of Love Stories titled Young Love.

Kaya naman wala na silang major adjustments pagdating sa mga eksena bilang hindi na sila mga baguhan at naramdaman daw nilang may rapport talaga sila. “I don’t know why but our personalities clicked so perfectly when we met that we had no issues in getting along with each other. Darwin and I would often call to check-up on each other and even shared random stories that eventually helped us create a certain bond,” pag-amin ni Enzo.

Iikot ang kuwento ng My Extraordinary sa kawalang-malay, friendship, the beauty of awakening desire, acceptance and how time heals all wounds ng dalawang college students na hindi nagpapigil na ipahayag ang kanilang sarili sa kabila ng mataas ng expectations sa kanila.   

Gameboys may season 2 na

Nagbunyi ang mga kabadingan sa ending ng season one ng Gameboys na napanood namin sa You Tube noong nakaraang Linggo ng gabi.

Maganda ang pagkakagawa ng bawat eksena kahit medyo soap operatic na ‘yung iba.      

Pero maganda ang pagkadirek, magagaling silang lahat, lalo na ang dalawang bidang sina Kokoy de Santos at Eljah Canlas. Para sa akin, si Kokoy ang pinakamagaling sa kanilang lahat.

Sa ending nito ay in-announce na rin na magkakaroon na ng season 2 na ikinatuwa naman ng mga fans.

Napapag-usapan na nga kung bakit nauuso ngayon ang BL series, at ang dami nang nadi-discover na mga bagong talents dahil sa mga BL series na ito. Malakas din ngayon sa mga viewers ang Quaranthings nina Royce Cabrera at Kyo Quijano, at may bago namang malapit nang mapanood sa TV 5 ang My Extraordinary.

Show comments