Sorry Heavenâ¦
Heaven Peralejo
Sorry Heaven…
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - September 15, 2020 - 12:00am

Alam mo Salve na ayaw ko sa lahat iyon magbura ng post sa Instagram. Totoo na may mga post ako na ikinagagalit ng tao at tinatanggap ko lahat ng bashing at grabeng comment.

Sobra ang bashing na inabot ko sa post ko kay Alex Gonzaga, pero ang talagang naloka ako, ‘yung kay Janine Gutierrez.

Tanggap ko rin ‘pag nagkamali ako, I don’t find it degrading na tanggapin ang pagkakamali ko. Ang hindi ko talaga magawa, ‘yung magbura o mag-archive ng post dahil parang feeling ko naging unfair ako sa sarili ko.

Kung ang consequences ng ginawa ko ay maging mahirap dalhin, kakayanin ko, basta na­ging totoo ako sa sarili ko.

Hindi ko kilala si Heaven Peralejo, nabasa ko ang blind item ni Fashion Pulis, nagtanung-tanong hanggang may nagsabi na si Heaven at mama Jinkee Pacquiao ang nasa blind item.

Nilagay ko sa IG at lumabas sa column ko, inamin ko na narinig ko lang ang bulung-bulungan tungkol dito.

Now salamat at manager pala ni Heaven si Ogie Diaz, ipinaliwanag na baka mali ang naging assumption ko, na kaya ni Heaven magkaroon ng P100K nang hindi kailangan ang tulong ng iba. So maliwanag na ang lahat. Nagtext si mama Jinkee Pacquiao na hindi raw totoo ang balitang iyon, so tanggap ko na mali nga ang mga balita.  Good, dahil at least maliwanag na ang lahat. Pati sina mama Jinkee at Jimuel nasali pa sa gulo kaya nahihiya ako. Kay Heaven at sa nanay niya na nagsabi na 73 years old na ako bakit pa ako nagbabalita ng ganito, tama ka Mommy, dapat nga siguro na pag may blind item pabayaan ko na.

Sa nagawa ko, SORRY, at ewan ko kung bakit malaking issue ang P100K na kung iisipin ay barya lang sa mga involved.

So SORRY Heaven at mommy, sana hindi maging HELL ang buhay ko dahil sa P100K na iyan.

Hindi totoo na humiram o binigyan ni Mama Jinkee Pacquiao si Heaven Peralejo, kaya sana maayos na ang lahat.

Naku ayoko na talaga ng 150K at 100K parang malas sa buhay ko ang figure na iyan. 

Derek naging seryoso sa lahat ng karelasyon

Masaya ako sa mga balitang nagsasama na raw sila Derek Ramsay at Andrea Torres.

Bagay na bagay ang dalawa, they look very good together, at parehong sweet na tao.

Sana nga ay mag-settle na si Derek sa piling ni Andrea at magkaroon na ng bagong pamilya with her.

Naging seryoso si Derek sa lahat ng nakarelasyon niya kaya nga lang along the way siguro talagang hindi pa iyon ang babae para sa kanya na para maging misis niya.

Now sana natagpuan niya iyon kay Andrea, at sana nga makabuo na sila ng pamilya.

Hindi lang sila bagay physically, parang tugma rin ang temperament nila at values, kaya swak.

Go na Derek, ihatid na sa altar si Andrea, kung talagang siya na ang the one for you, ang matagal mo nang hinahanap. Don’t wait too long.

HEAVEN PERALEJO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with