^

PSN Showbiz

Pamilya ng personalidad na panay ang pagkakalat, umiinit ang ulo pag nababanggit ang kanyang pangalan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ayon sa aming impormanteng hindi nanununog at nangunguryente ay talagang hindi pala tanggap ng kanyang pamilya ang mga kahihiyang pinaggagagawa ngayon ng isang dating aktor na bagong-bihis na ngayon.

Kung gusto mo raw uminit ang ulo ng kanyang mga kapatid ay tanungin mo sila tungkol sa kapamilya nilang kahit sa panaginip lang ay hindi nila inakalang magiging ganyan.

Kuwento ng aming source, “Aysus, talagang hindi nila tanggap ang mga pinaggagagawang iskandalo ng kapatid nila! Kahit nga siguro kapag sila-sila na lang ang magkakausap, e, nawiwindang din sila!

“Nu’ng una, kapag tinatanong ang isang kapatid niya tungkol sa pagbabago ng kanyang itsura, ang isinasagot na lang nu’ng utol niya, e, basta huwag lang siyang magbibigay ng kahihiyan sa family nila!

“Kung talagang hindi na siya mapipigil sa paglaladlad niya at kung ‘yun ang kaligayahan niya, e, sige na lang, basta huwag niyang bigyan ng kahihiyan ang pamilya nila!” madiing unang komento ng aming impormante.

Pero iba ang ginawa ng binabae, hindi lang niya ipinaglalantaran ang kanyang gender, nagsangkot pa siya ng mga personalidad sa mga paglilitanya niya sa kanyang vlog.

Balik-kuwento ng aming source, “’Yun na ‘yun! Hiyang-hiya ang buong pamilya ng vacklush sa mga pinaggagagawa niya! Imagine nga naman, pati ang mga taong nananahimik na, e, binubulabog pa niya!

“At ‘yung mismong wife ng isang kapatid niya na kumontra sa pamimintas at pag-upak niya sa isang beki personality, e, inaway-away rin niya! Ang buong family niya, e, inupakan din niya sa mga unang vlog niya!

“Kaya talagang hindi siya matatanggap ng mismong pamilya niya. Dahil magkakadugo nga sila, natural lang na nasasaktan din ang mga kapatid niya sa mga comments na ipinupukol laban sa kanya sa social media!

“Pero hindi naman siya maipagtanggol ng family niya, kasi nga, e, kung anu-anong kababalaghan ang mga pinagsasasabi niya! Hiyang-hiya ang pamilya niya sa mga taong idinadamay niya sa mga ilusyon niya!

“Natauhan ang binabae, may bago na siyang drama ngayon, may membership fee na ang mga may gustong tumutok sa kanya. Ramdam na ramdam niya kasi ang galit sa kanya ng buong bayan, kaya ayan, hindi na kuno for public consumption ang vlog niya!” napapailing na kuwento ng pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Michael Buble, kakaiba ang kabaitan

Napanood namin nang buong-buo ang episode ng Property Brothers sa HGTV ng kambal na sina Jonathan at Drew Scott tungkol sa isang lumang bahay sa Vancouver, Canada, na binigyan nila ng bagong itsura para sa isa nating kababayan.

Nagbantay ang sikat na balladeer na si Michael Buble sa pagre-renovate ng bahay ng kanyang lolo at lola. Sentimental ang singer dahil nu’ng bata pa raw siya ay du’n siya tumutuloy pagkatapos niya sa eskuwela.

Kanta sila nang kanta ng kanyang lolo, si James Dean ang iniidolo nito, nang dumating na ang paghina ng kalusugan ng kanyang lolo at lola ay kumuha silang magkakapatid ng isang caregi­ver-nursing aide.

Isang Pilipina ang kanilang pinili, si Minette na buong-pusong nag-alaga nang matagal na panahon sa mag-asawa, itinuring nang kapamilya ng mga Buble ang ating kababayan.

Bago namatay ang lolo ni Michael ay ibinulong nito sa kanilang magkakapatid, gusto nitong ipamana ang kanilang bahay kay Minette, ang dahilan kung bakit nila kinontak sina Jonathan at Drew Scott ng Property Brothers.

Iyak nang iyak si Minette nang sabihin sa kanya ni Michael Buble, “This house is yours. It’s just our way of thanking you for taking care of grandpa and grandma.”

Hindi malaman ni Minette ang sasabihin, may bikig ito sa lalamunan, habang lumuluha ang ating kababayan ay panay-panay naman ang yakap sa kanya ng sikat na balladeer.

Palagi naming pinanonood ang mga video ng mga concert ni Michael Buble, paulit-ulit naming tinututukan ‘yun, wala kaming kasawa-sawa. Gustung-gusto namin ang mga piyesa niyang  Home, Sway, Save The Last Dance For Me, at marami pang iba.

Pero ngayon, kapag pinanood uli namin ang kanyang concert ay magbabago na ang tingin namin kay Michael Buble, may kakambal nang paghanga ang mararamdaman namin para sa kanya bilang tao at hindi lang bilang guwapo at magaling na singer dahil sa pagmamahal niya sa ating kababayang si Minette.

Kahanga-hangang personalidad.

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with