^

PSN Showbiz

Frequencies ng ABS-CBN, hinihintay kung kanino ibibigay

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Bago pa lumabas ang balitang pagbawi ng National Telecommunications Commission ng frequencies at channels ng ABS-CBN 2, narinig na namin itong pinag-uusapan ng ilang miyembro ng media at ang ilang nagpahayag ng interes na mag-apply ang ilang kumpanya.

Wala pa namang kinukumpirma ang ilang kongresista pero napapag-usapan nang interesado raw ang Manila Broadcasting Company, ang CBCP at ang Iglesia ni Cristo.

“It’s a profitable slot,” sabi nga nila kaya pursigido ang ilang malalaking kumpanya na makuha ang frequency na ito ng ABS-CBN 2.

Hindi na rin kasi natuloy ang unang alok noon ng ABS-CBN na gamitin ang frequency nila sa distance learning program ng DepEd.

So far, online at digital pa lang muna napapanood ang ilang programa ng ABS-CBN 2 at wala pa silang sinasabi kung kailan na matutuloy ang pagiging blocktimer nila sa Zoe TV ni Bro. Eddie Villanueva.

Sa ngayon ay nagpupursige ang ilang TV network para lalo silang lumaki.

Nagsisimula nang maging active ang Eagle Broadcasting Corporation ng Net 25.

Bukod sa mga bagong programang nabanggit na malapit na nilang simulan ay pinasok na rin nila ang film production.

Napabalita na nitong mga nagdaang araw ang pag-produce nila ng biopic ni Victor Wood na ang unang napabalitang gaganap ay si Jon Lucas pero baka hindi na raw siya matutuloy dahil sa conflict ang schedule sa GMA 7.

Hindi ko pa alam kung ano ang iba pa niyang ginagawa dahil alam ko tapos na nilang i-tape ang Descendants of the Sun.

Pero lumabas nga ang kuwentong papalitan na raw siya ni Martin Escudero na miyembro rin yata ng INC.

Pero wala pang kinukumpirma ang EBC dahil meron daw silang pinir­mahang non-disclosure agreement kaya hintayin na lang daw ang announcement kung sino na ang gaganap na Victor Wood.

Bukod pa sa Net 25, may mga bagong programa na rin daw na binubuo ngayon sa PTV 4.

Pinagtawanan nga ng ilang artista ang pahayag ni PCOO Secretary Martin Andanar na posibleng lumaban na sa ratings ang mga programa ng PTV 4. May ilan na kaming nari­rinig na parang sure nang gagawin nila, pero ipinapakiusap munang huwag isulat. Abangan na lang daw ang announcement.

Sine Sandaan, tuloy pa rin

Kahapon natapos ang selebras­yon ng Sine Sandaan na isang taong ipinagdiriwang sa pamumuno ng Film Development Council of the Philippines pero itutuloy pa raw nila.

Kahit nasa pandemya pa rin tayo, patuloy pa rin sa paggawa ng iba’t ibang events at activities ng FDCP para naman sa Sine Sandaan : The Next 100.

Ngayong buwan ng September ay marami na silang sisimulan kagaya ng Kre8tif! Virtual Conference na ginanap noong September 7 hanggang 10, ang FIC Online 2020 na on­going na ngayon, ang Full Circle Lab Philippines, ang Documentary Film Production Workshop of ELCAC Stories, at marami pa.

Sa ilang mga gagawin ng FDCP ay nandiyan pa rin ang pakikipag-partner ng mga film producer na miyembro ng PMPPA.

Aware naman ang lahat ang kinasangkutang isyu ni FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra sa mga taga-PMPPA at pati sa Inter-Guild Alliance pero hindi naman daw ito nakakasagabal sa kanilang layunin na lalong mapalago ang ating movie industry.

Ani Ms. Liza, nandiyan naman daw ang pakikipagtulungan ng mga movie producers. “To be honest as an organization, as an entities with PMPPA hindi pa talaga kami nakapag-usap.

“Sana talaga at some point there’s a chance to talk kasi baka miscommunication o misunderstanding lang talaga yung namagitan between the agencies and the PMPPA in terms of how FDCP is launching and implementing our programs and the policies ngayon na ginagawa natin para protektahan ang mga workers. But with other institutions, yes we are coordinating with them sa iba’t iba nating activities.

“Even if walang pag-uusap with PMPPA mismo as a whole, ‘yung ibang event ng PMPP especially for PPP next month, individually  with other production companies…we are in talks sa mga pelikulang i-acquire natin na ipapalabas natin para sa PPP.

“We need local content. Ayaw nating masanay sila sa K drama o puro mga foreign films ang napapanood nila. All the more na dapat tayong maging masigasig na makakapagpalabas tayo ng Filipino films kasi nandiyan sila sa mga bahay nila.

“As long as the spirit is there, naniniwala ako na the production see the value and they see FDCP as an ally to make this happen para sa ating mga manonood,” pahayag ni Chair Liza.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with