Aktor pinagbubuntunan ng lungkot ang mga taong nananahimik

Simbilis ng makina kung mag-isip at humusga ang marami tungkol sa isyu ng kasarian. Kapag may lumabas na beki sa isang pamilya ay sasabihin na agad na nasa lahi pala nila ang pagiging bakla kaya hindi imposibleng meron pang ibang miyembro ng kanilang pamilya na beki rin.

Nasa dugo raw kasi ‘yun. Nananalaytay sa kanilang dugo ang pagiging beki, kaya kahit pa brusko ang dating ng iba pang mga miyembro ng kanilang pamilya, pagbibintangan na rin sila.

Kuwento ng isang source, “Naku, kaya nga hindi matanggap-tanggap ng mga kapamilya niya ang paglaladlad ng isang male personality na dati, e, napakabrusko sa mga pelikulang ginawa niya.

“Kasi nga naman, dahil sa paglaladlad niya, e, pagdududahan na rin ang ibang mga kapatid niya! E, puro brusko pa naman sila, palaban talaga, pero nakukuwestiyon din ang gender nila dahil sa kapatid nilang buong-ningning na pa-girl na!” unang komento ng aming impormante.

Maraming binigla ang male personality na naglantad ng kanyang tunay na kasarian. Nakikita nga naman siya dati na lalaking-lalaki ang kanyang tindig. Pati ang kanyang boses ay bilog na bilog at mababa.

Patuloy ng aming source, “Pero ngayon, e, tumitili na siya nang walang sound! Papadyak-padyak pa siya na akala mo bulateng kahuhukay lang sa lupa!

“Natural, binabalik-balikan ng mga kababayan natin ang video ng mga ginawa niyang pelikula na nakikipagbarilan siya, nakikipagsuntukan, lumulundag sa mga building, puro action scenes ang mga ginagawa niya!

“Natural lang na nu’ng mag-decide siyang maglabas na kung ano at sino talaga siya, e, binulabog niya ang industriya! Lalong nag-alala ang mga kapamilya niya, dahil damay-damay na nga naman ang mangyayari dahil magkakadugo sila!

“Hanggang ngayon, hindi pa rin siya matanggap-tanggap ng pamilya niya, kaya ayan, wala siyang ibang puwedeng gawin kundi ang magpapansin siya!

“Malungkot ang lola, kaya pinagdidiskitahan niya na lang ang mga taong nananahimik, kung sinu-sino ang pinaglalaruan niya!” nabubuwisit na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

BB naghahanap ng away

Away na ang hinahanap ngayon ni BB Gandanghari. Hindi na basta ilusyon lang ito dahil sa kanyang pinakahuling vlog ay hinahamon na niya si Piolo Pascual na mag-out.

Kailangan na raw magpakatotoo ni Piolo, ayon kay Rustom Padilla na muling hinukay sa libingan ni BB Gandanghari, hindi raw siya ang nag-a-out sa aktor dahil isinalaysay lang daw niya ang kanyang karanasan sa pagitan nila ni Jonathan.

Bakit daw ayaw magsalita ni Piolo ngayon? Mahirap daw bang aminin na bakla ito at kung hindi naman ay panindigan ni Piolo ang pagsasabing hindi ito bakla at straight na straight daw ito.

Saan kayang planeta nanggaling si BB Gandanghari nitong mga nakaraang buwan at pati ang karapatan ng ibang tao ay sinasaklawan na niya? Sino siya para magmando kay Piolo na magpakatotoo na at ilantad ang tunay nitong kasarian?

Ano ang pakialam niya sa buhay ni Piolo, anong pasaporte meron siya para turuan si Piolo na magpakatotoo na? Kinaladkad niya na nga ang pangalan nu’ng tao sa kanyang mga ilusyon, hindi pa ba sapat ‘yun, hindi pa ba nabusog du’n si Rustom Padilla?

Nakakaramdam na ng awa ang mga kababayan natin kay Rustom, nabubura na ang inis, tama nga namang kaawaan na ang tulad ni BB Gandang-hari na inaaway na ang mundo para lang siya mapansin.

AiAi tinawag na ipokrita ni BB

Pati ang Comedy Concert Queen na si AiAi delas Alas na nagkomentong sana’y tigilan na niya si Piolo Pascual ay inaway rin ni BB Gandanghari.

Ano ang ibinalik niyang masasakit na salita laban sa sikat na komedyana? Ipokrita raw si AiAi delas Alas, plastic at kaibigang putik.

Nagmamalasakit lang naman ‘yung tao kay Piolo, bilang magkaibigan ay pinayuhan lang siya na tama na ni AiAi, pero talagang away na ang hanap ngayon ng bakla kapag may kumokontra sa kanyang mga pinagsasasabi.

Kanino ba bumabalandra ang mga ibinalik niyang salita kay AiAi? Sa kanya mismo dahil ang isang tunay na kaibigan ay hindi magbibigay ng lungkot sa kanyang kapwa, ang isang nagpapa-halaga sa pagkakaibigan ay nakikinig sa mga positibong payo, sino ngayon ang kaibigang putik sa kanila ni AiAi?

Ang tren ay hindi nakikita sa kalsada, merong sariling riles ang tren, pero kapag sinasakop na ng tren ang balwarte ng mga sasakyang panglupa ay meron nang mali.

Kailangan nang kumpunihin ang makina ng tren.

Show comments