^

PSN Showbiz

Kris, sobra ang pananahimik

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kris, sobra ang pananahimik
Kris

Sobrang tahimik ni Kris Aquino kaya halos lahat ay humuhula kung ano na ang mga plano niya.

‘Yung excitement sa pagbabalik-TV sana niya ay hindi pa rin nawawala. Ewan lang kung bakit kung anu-ano ang mga problema na lumitaw kaya hindi natuloy.

Sabi ko nga, siguro nga hindi niya taon ang 2020 at knowing Kris na mahilig sa signs at spiritual interventions, baka nakikiramdam pa rin siyang mabuti.

Ewan ko kung ‘yung test of patience ay na-master na ni Kris at ngayon hindi na siya impulsive sa mga desisyon niya.

Mas mabuti naman, the more na nae-excite ang lahat, the more na hinihintay siya at kinasasabikan.

Wait lang, darating din iyan, si Kris Aquino pa ba?

TIPMMG viewers, hindi bumibitaw

Bongga na naman ang tanghalian natin kahapon Salve dahil Take It...Per Minute, Me Ganun na naman.

Sama-sama na naman tayo sa pagkain, walang tigil na kuwentuhan at tawanan nina Cristy Fermin at Mr Fu. kasama sina Tina Roa, Japs Gersin, PJ at Richie.

At kahit pa nga merong sadness dahil malapit sa ating lahat si Manay Ichu Maceda na laging nanonood ng online show natin sa Facebook, tuloy lang ang buhay.

Kaya miss na miss ko pag wala tayong show, kasi nga ‘yung pagsasama natin kahit once a week lang ay isang malaking relief sa atin para malimutan ang mga hindi magandang nangyayari sa paligid natin.

At to think na ang dami pa rin nating followers na hindi bumitaw kahit pa nga lulubog lilitaw ang show dahil sa Q na nagaganap.

Salamat po talaga sa panonood ng TIPMMG, tuwing Tuesday 12 to 1 p.m., sa Facebook at YouTube channel ng Pilipino Star NGAYON.

Manay Ichu, sobra ang pagmamahal sa industriya

Sobra talaga ang pagmamahal ni Manay Ichu Maceda sa showbiz. Hanggang sa huling sandali, ang Mowelfund ang nasa isipan niya. Alam niya na ito lang ang natatakbuhan ng mga taga-showbiz sa kanilang pangangailangan kaya naman masyado siyang nagwo-worry sa itinatakbo ng Mowelfund.

Ibinilin niya na kahit anong mangyari ay alagaan ang samahan para patuloy na makatulong sa mga taga-industriya.

Kahit doon sa rosary crusade noon na binuo nila ni Bishop Soc Villegas, ang dasal niya ay para sa showbiz industry.

Hanggang noong nasa hospital na siya, patuloy pa rin siya sa pag-monitor sa mga nagaganap sa showbiz.

Imposibleng malimutan ang isang Manay Ichu Maceda. Unforgettable siya at hindi puwedeng palitan.

Pray for her, she is now resting in peace. Adios, Manay Ichu, we love you.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with