^

PSN Showbiz

McCoy, nahihirapang maging masaya dahil sa mga nawalan ng trabaho

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
McCoy, nahihirapang maging masaya dahil sa mga nawalan ng trabaho
McCoy
STAR/ File

Kahit nasa pangangalaga na ng Viva Artists Agency ngayon ay iniisip pa rin ni McCoy de Leon ang mga nakatrabaho sa ABS-CBN ng ilang taon.

Matatandaang tuluyang nagsara ang Kapamil­ya network nang hindi aprubahan ng pitumpong Kongresista ang aplikasyon ng bagong prangkisa ng istasyon.

“Paano na sila ngayon? Ano na kaya ang ginagawa nila ngayon? Mas nakakausap ko kasi ‘yung mga staff at naging malapit sila sa akin eh. Staff ng PBB (Pinoy Big Brother), staff ng Showtime, staff lahat ng unit do’n. Sa Viber kahit sabihin nilang okay sila, ramdam mo pa din eh. Mahirap maging masaya sa totoo lang. Kinukumusta ko sila kahit hindi na public. Mas gusto ko ‘yung private para maramdaman ko kung okay lang ba talaga sila, kung ano ‘yung maitutulong ko. Tinatanong ko sila,” kwento ni McCoy.

Kasama ang aktor sa bagong teleserye na Walang Hanggang Paalam na pinagbibidahan nina Angelica Panganiban at Paulo Avelino. Malapit na rin itong mapanood sa Kapamilya Channel.

Nasa taping daw si McCoy noon nang makumpirang hindi na mabibigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.

“Sobrang nalungkot ako. Nasa Subic po ako no’n sa taping nang napanood namin na hindi talaga ni-renew ang franchise ng ABS-CBN. Wala po akong magawa. Tapos kumirot sa puso ko na ‘yung mga kasamahan ko do’n, ‘yung mga staff umiyak sila. Huminto kami sa taping. Do’n ko na-realize ‘yung sakit na nararamdaman ko ngayon triple ng sa kanila kasi mas nagwo-work sila,” pagdedetalye ng binata.

Para kay McCoy ay malaki talaga ang sakripisyo ng staff and crew members sa bawat programa na napapanood sa telebisyon o pelikula.

“Kasi kaming mga artista, after ng taping okay na, pahinga na kami, uuwi na kami. Pero sila, after ng taping, meron pa silang meeting, meron pa silang ibang gagawin. Mas iniisip ko talaga ‘yung mga nasa loob, ‘yung mga staff. Naaawa ako sa kanila, sana okay lang silang lahat ngayon,” pagtatapos ng aktor.

Kakai, naudlot ang pagbili ng mga kagamitan para sa bagong bahay

Kamakailan ay nakauwi na si Kakai Bautista sa Laguna upang bisitahin ang kanyang pamilyang nakabase roon. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na muling nakita ng komedyana ang mga mahal sa buhay mula nang ipatupad ang community quarantine dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.

Ipinasilip ni Kakai sa sariling YouTube channel ang bagong bahay na kanyang naipundar dahil sa kinita mula sa kanyang endorsement.

“Katas ng Jollibee, this is JB house. Hindi ko pa alam kung kailan malalagyan ng laman at kung kailan mapapaayos. Dapat July or August kung hindi nagka-COVID. Pero dahil nawala ang mga trabaho, nganga,” natatawang pagbabahagi ni Kakai.

Umaasa ang komedyana na magkakaroon muli ng mga proyektong gagawin upang matuloy na ang pagbili ng mga kagamitan para sa bagong bahay. Ngayon ay nangungupahan pa rin ang pamilya ni Kakai sa Laguna.

“Sana matirhan na namin ng family ko, soon kapag nakaluwag-luwag. Excited na rin akong ipakita kapag maayos na,” pagtatapos ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

MACCOY DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with