^

PSN Showbiz

Myrtle, magre-renew sa Mega...

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Myrtle, magre-renew sa Mega...
Myrtle
STAR/ File

Magri-renew pala ng contract sa MegaSoft ni Aileen Go si Myrtle Sarroza. Siyempre happy si Budingding dahil isa rin sa baby niya si Myrtle na sabi nga niya ay isang mabait na bata na ngayon ay GMA talent na.

Mukha naman may focus sa career si Myrtle, at isang malaking ace sa buhay niya na college graduate siya aside from hindi siya iyon tipo na kailangan ma-harass sa trabaho dahil ok naman ang pamilya nila.

Maganda rin ang image niya kaya gustung-gusto siya ni Aileen.

Siguro naman sa renewal ng contract, nandito na sa Quezon City si Rose Garcia na based na yata sa Bataan, hah hah.

Sure ako ang dami ng daing at tinapa na dala niya para pasalubong sa atin lahat, baka ito na nga giveaway sa presscon ng MegaSoft, hah hah hah.

Birthday ni Sen. Bong, mas memorable

Isang very memorable birthday naman ang magiging celebration ni Sen. Bong Revilla sa kanyang kaarawan this year.

Nakaligtas siya sa COVID-19 na talagang nagpahirap ng husto sa katawan niya. At dahil nga sa pandemic, gusto niya na makatulong sa mga mag-aaral na kailangan ang tablet para sa online education ngayon. Gusto niyang bigyan lahat ng mga nag-aaral na mataas ang grado sa school at recommended ng mga teacher nila pero walang pambili ng tablet o gadget na gagamitin sa online studies.

Isang pasasalamat ito sa lahat ng blessings na binibigay sa kanya, at sa lahat ng nagdasal para siya gumaling sa COVID-19.

Sa halip na magbigay ng party, ibibigay niya ang mga kailangan ng mga mag-aaral.

Growing older with all the scars of life and stronger, because of all the love people showers on him.

Thankful and forever grateful, very memorable talaga ang birthday niya this year.

Happy birthday Bong Revilla, basta alam mo na malinis ang puso mo, iyon ang mahalaga.

And continue to thank God for all the favors.

vuukle comment

MEGASOFT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with