^

PSN Showbiz

Ruffa ayaw pang ipag-ingay ang bagong negosyo

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Ruffa ayaw pang ipag-ingay ang bagong negosyo
Ruffa
STAR/ File

Sa Monday na ang simula ng finale week ng Love Thy Woman, kaya naman sobrang busy na ng cast sa pagpo-promote.

Kaliwa’t kanang online promotions ang ginagawa nila dahil ganoon na nga ang tinatawag na new normal ngayon dahil sa COVID-19 pandemic.

Kahapon ay ka-chat ko si Ruffa Gutierrez na nagsabing sobrang busy siya.

Ikinuwento nga sa akin ni Ruffa na thankful siya na maganda ang feedback sa kanilang series at sa role niya bilang si Amanda del Mundo.

Actually, naloloka nga ako kapag nakakatsikahan ko ang ilang mga kaibigan dito sa Los Angeles, California dahil may mga nagda-dialogue sa kanila na ikumusta ko sila kay Amanda.

Anyway, bukod sa kaliwa’t kanang promotions ng Love Thy Woman, abala rin daw si Ruffa sa ilang negosyo niya kung saan may bagong negosyo siya na hindi pa puwedeng i-announce.

Sa panahon nga naman ngayon, lalo na’t 17 at 16 years old na ang mga anak niyang sina Lorin at Venice, respectively, kailangan talagang mag-isip ng mga negosyo si Ruffa. “Later, magmi-meet-up kami ni Mond (his brother Raymond Gutierrez),” sey niya, na ang ibig sabihin ay may negosyo silang pag-uusapan.

Naku, Ateng Salve, parang type ko na ring mag-isip ng negosyo, huh!

TV5 tinatapos pa ang ghost month

Kahapon ay ka-chat ko si Direk Perci Intalan, ang content consultant ng TV5.

Tinanong ko siya kung may bagong announcement na ba ang TV5 for new shows na ilo-launch? “Wala pa, eh!” sabi ni Direk Perci.

Tinanong ko rin si Direk Perci kung may nabalitaan na ba siya sa Love Life with Kris show sana ni Kris Aquino for TV5. “Wala pa, eh,” ang matipid uli na sagot ni Direk Perci.

“Sure ka?!” pang-uusisa ko pa kay Direk Perci na sinagot niya ng, “Hahaha, totoo ‘yan. Wala talaga akong update tungkol doon!”

Kung matatandaan, hindi naman talaga sa TV5 ang show na ‘yon ni Kris, bale sa isang blocktime producer ‘yon na nang hindi matuloy ay napabalitang inilapit daw kay Albee Benitez na kilalang major blocktime producer ngayon ng nasabing TV network.

Feeling ko lang, Ateng Salve, tatapusin muna nila ang Ghost Month (hanggang September 16) at saka sila mag-a-announce ng mga exciting na magaganap sa TV5 (kasama na kaya ang show ni Kris?), huh!

Ang tungkol sa finale episode na lang ng Gameboys, ang BL (boys’ love) series nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos na lang ang inusisa ko sa kanya.

Hindi kasi maipapalabas ‘yon sa Sunday. So, sa September 13 na lang daw mapapanood ang ending nito.Nag-lock-in taping din kasi sina Ezlijah at Kokoy at one week nagkasama ang dalawa, plus si Direk Perci.

Ang staff naman ng Gameboys, nag-self-quarantine rin daw bago sila nagkaroon ng shoot para sa exterior scenes na inabot din ng three days.

Ang finale episode raw ng Gameboys ang pinakamagastos dahil may four days online shoots din sila. Ang bongga! ‘Yun na!

LOS ANGELES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with