^

PSN Showbiz

Ted kumpirmado na sa TV5, kumalas na sa kapamilya after 30 years

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Ted kumpirmado na sa TV5, kumalas na sa kapamilya after 30 years
Ted Failon

Noli papasok sa DZRH?! KC at Gabby magsasama Luis bibida sa noontime show ng TV5

Official na ang paglipat ng network ni Ted Failon.

Kahapon ay naglabas na ng official statement ang ABS-CBN tungkol sa pag-alis sa kanila ng batikang brodkaster.

Matapos nga ang 30 taon, magpapaalam na sa ABS-CBN si Mr. Failon.

For the last time ay mapapanood siya sa TV Patrol at Failon Ngayon sa TeleRadyo ngayong araw, Agosto 31, kaya may chance pa siyang mamaalam.

Si Julius Babao ang papalit sa iiwan niyang slot.

Ang pagpapatigil sa radio broadcast operations ng ABS-CBN ang dahilan pa rin sa hakbang na ito.

“Bagamat nakalulungkot, iginagalang namin ang kanyang desisyon. Hinahangaan namin ang kanyang husay at pagmamahal sa radio broadcasting, na pinakamabisang paraan ni Ted para mas makapaglingkod ng mabuti sa bayan.

“Nagpapasalamat kami kay Ted sa dedikasyon at paglilingkod niya sa maraming taon bilang isang mamamahayag ng Kapamilya network. Si Ted ay mananatiling isang Kapamilya habambuhay. Hangad namin ang ikabubuti niya sa daang kanyang tatahakin,” ang kumpletong pahayag ng network kahapon.

Hindi pa diumano nagkakapirmahan ng contract ayon sa isang source, pero medyo matagal na raw ang negotiations between TV5 and Mr. Failon.

Planado na raw ang programa nito sa Radyo5 at News5 pero hindi pa complete ang details.

Walang social media accounts si Mr. Failon kaya walang statement na nanggagaling sa kanyang kampo.

Nauna na naming naisulat dito na kasama niya sa gagawing programa sa Radyo5 si DJ Chacha na matagal na niyang ka-tandem sa DZMM - Failon Ngayon.

Nu’ng una raw ay radio program lang ang gusto ni Mr. Failon sa lilipatang network. Bitbit niya raw sa paglundag ng network ang maraming staff niya.

Hinihintay ngayon kung lilipat din sa ibang network si Kabayang Noli de Castro, pero ayon daw sa isang kapamilya nito ay wala na itong balak lumundag pa sa ibang channel matapos ang nangyari sa Channel 2.

Pero ayon sa isang reliable source, may ugong na nakikipag-negotiate si Kabayan Noli kay Mr. Deo Macalma, isa sa mga top gun ng DZRH, kung saan nauna nang lumipat sina Anthony Taberna and Gerry Baja. Yup, may chance din daw marinig sa RH ang isa pang batikang brodkaster ng ABS-CBN.

Samantala, bukod kay Ted Failon, inaasahang mapapanood din sa TV5 ang mag-amang Gabby and KC Concepcion ayon naman sa isa pang source.

Yes pagsasamahin daw sila sa isang programa. At ang producer diumano nito, ang bestfriend ni Gabby na si former Congressman Albee Benitez ayon pa sa source.

Isa pang malapit na ring mapanood diumano sa TV5 ay si Luis Manzano kung saan siya ang magiging main host ng ilu-launch na noontime show ng network.

Asahan daw na mas marami pang Kapamilya personalities / stars ang mapapanood sa TV5.

 

 

vuukle comment

TED FAILON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with