_ngayon
^
Cong. Vilma walang maisip na tulong sa mga nawalan ng trabaho sa ABS-CBN
Vilma

Cong. Vilma walang maisip na tulong sa mga nawalan ng trabaho sa ABS-CBN

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - August 30, 2020 - 12:00am

Malungkot si Congresswoman Vilma Santos dahil hindi naman niya maikakaila na marami siyang mga kaibigan at da­ting kasamahan na sabay-sabay na nawalan nang trabaho matapos silang ma-lay off noong isang araw nang ideklarang wala na nga muna silang trabaho sa nagsarang ABS-CBN. Ang marami roon nakasama niya sa mga pelikula at ang iba sa dati niyang TV shows.

Ganoon pa man, inaasahan niyang makakakuha rin naman ng trabaho ang marami sa kanila, “dahil sa totoo lang magagaling naman silang talaga. They are among the best”, sabi ni Ate Vi.

Sa ngayon sinusubukan ng mga supporters ng ABS-CBN na gamitin ang “Peoples’ initiative” para mabuksang muli ang network.

Ano ang palagay niya roon?

“Kailangan nila ng ilang milyong pirma. Hindi naman kahit sino puwedeng pumirma. Ang puwede lang iyong mga registered voters. Pagkatapos ng pirmahan, kailangan ng confirmation ng COMELEC na talagang ang lahat ng nakapirma roon ay registered voter. Hindi puwedeng sa isang lugar lang, kailangan registered voters sa iba’t ibang lugar, sa kabuuan ng Pilipinas. Napakahirap na trabaho niyan.

“Pagkatapos, kung may sapat na confirmed signatures, maaaring tumawag ng isang referendum. Kailan pa ang referendum niyan? Pinaka-malapit na iyong 2022 rin kasabay ng eleksiyon. Kung ganoon din, di mas mabilis pang mag-refile ng panibagong franchise bill sa susunod na kongreso,” sabi ni Ate Vi.

“Sa ngayon, iniisip ko nga kung anong tulong ang magagawa para sa kanila. Pero may programa naman ang gobyerno, pati na ang DOLE para mabig­yan sila ng assistance, pero siyempre hindi mo aasahang sapat iyon. Wala namang ginagawang mga pelikula dahil wala pang sinehan.

“Sa ngayon talagang wala tayong magagawa hanggang nariyan ang problema nating pandemic. Talaga ngang dasal na lang ang kailangan nating gawin para matapos na iyan at makabalik na tayo sa normal na buhay,” sabi ni Ate Vi.

Teejay sasabak na rin sa baklaan series

Noong isang araw ay naka-chat namin ang artista at model na si Teejay Marquez, at siya mismo ang nagsabi sa amin na naghahanda na raw siya para sa shoot ng isang BL series kung saan makakasama rin niya si Jerome Ponce na gagawin ng isang major film company. Pero kagaya ng ibang BL series, ilalabas din ang serye sa internet.

Hindi kasi siya makaalis patungong abroad, kahit na may naghihintay sa kanyang isa pang pelikula at isang tv series sa Indonesia.

Doon kasi mas sikat si Teejay kaysa rito sa Pilipinas.

Marami na siyang nagawang television series doon, at malakas nga ang kanyang following.

May plano rin siyang mag-recording sa Indonesia. Pero dahil nga sa lockdown, hindi siya makabalik doon. Maganda naman ang chances ng gagawin niyang BL series. Dahil sikat siya sa Indonesia, baka puwede ring ilabas iyon doon kung sakali.

Aktres nasampal ng bf na may kakaibang raket

Kawawa naman ang isang female star, sinampal kasi siya ng kanyang actor-boyfriend nang magselos siya at tanungin kung ano nga ba ang “activities” noon na mukhang hindi niya alam.

Marami na rin kasing kumakalat na tsismis tungkol sa mga sikretong escapades ng kanyang boyfriend na nakakarating na rin sa kanya.

Noong araw, hindi niya pinapansin ang mga lumalabas lang na blind items, kahit na alam niyang boyfriend niya ang tinutukoy. Kaso may kaibigan na siya nagsabi mismo sa kanya. Nang tanungin naman niya ang boyfriend niya, sinampal nga siya.

VILMA SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with