^
Marian nanguna sa Women of Style and Substance
Marian

Marian nanguna sa Women of Style and Substance

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - August 29, 2020 - 12:00am

Wow, kinilala si Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera bilang isa sa mga kababaihang hindi lang sa kagandahan may ibubuga kundi pati na rin sa kani-kanilang larangan.

Pinangunahan ni Marian ang listahan ng People Asia magazine na 2020’s Women of Style and Substance para sa kanilang August-September issue. 

Sa kanyang magazine cover and feature, ibinahagi ng Kapuso actress ang kanyang kwento ng pagsusumikap at journey to stardom. 

Nagpasalamat naman si Marian sa pagkilala ng naturang lifestyle magazine, “It’s an honor to be a part of @peopleasia’s Women of Style and Substance 2020. Let’s keep on inspring and empowering women.”

Hindi rin nagpahuli si Dingdong Dantes na biruin at batiin ang asawa sa kanyang Instagram post, “Sabi na nga ba May Samting itong nakilala ko kahapon eh. Akalain mong nasa People Asia cover pala siya? Lupet!”

Aside from Marian, pasok din sa listahan si Ms. Rei Tan, founder and CEO of Beau­tederm kung saan endorser si Marian.

 “I thank People Asia Magazine for this honor — to its wonderful staff and to its indefatigable editor-in-chief Ms. Joanne Rae-Ramirez.

“I am honored and humbled to be in the same cate­gory as these awesome women,” ang pasasalamat naman ni Rei.

Congrats, Marian and Ms. Rei.

 

 

MARIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with