Pokwang, dapat tantanan na ang kadramahan

Pokwang
STAR/ File

Suwerte ni Pokwang dahil sinalo agad siya ng APT Entertainment, Inc. after ABS-CBN. Suwerte niya dahil dalawa agad ang programa niya sa TV5.

Ok ang nangyari sa career niya, kaya siguro dapat lang na tigilan na ang paulit-ulit na pagsasalita tungkol sa pagkakaalis niya sa ABS-CBN.

Heto na, may bagong trabaho, harapin at pagbutihin na lang. Wala na ‘yung drama na mabuti na lang at may nag-alok, dahil para bang adding insult to injury sa ibang hindi pa nakakabangon.

Ok suwerte niya, dahil iba ang naging takbo ng kapalaran niya, ‘di mag-thank you na lang.

Nakakasawa na kasi na mabasa na mabuti na lang ganito at ganyan, basta heto mas maganda ang naging resulta ng sa iyo, big thanks. Ayun nah, wala na ang mga palabok pa.

Goodluck, Pokwang.

Naka-depende sa q...

Nabasa ko ang column ni Cristy Fermin, Salve, ha. Nagpaliwanag siya sa followers natin ng Take It Per Minute Me Ganun na dahil three weeks ng nakabakasyon ang programa natin dahil nga sumama ang katawan ko.

Naku ha, kaya nga sumama pakiramdam ko dahil wala siguro akong ginagawa, at naiinis nga ako dahil ‘yung TIPMMG ay nakadepende sa mga Q na nagaganap sa atin. Basta may ECQ, MECQ, GCQ pati BBQ affected tayo. Kaya nga biro ko kay Mr. Fu ay ayoko na dahil walang stability ang show, basta may Q, hinto agad ni Salve. Kaya sabi ko, walk out na kami, hah hah.

Excited na nga kaming tatlo sa buwis-buhay na pag-travel every Tuesday para sa 12 to 1 afternoon show namin.

Kaya wait kayo, hitsura ni corona at virus niya, o ‘yang COVID-19 na iyan, kayang-kaya nila Japs Gersin at Tina Roa iyan noh!

Basta, show na tayo Salve, or else, walk out na kaming tatlo nina Cristy at Mr. Fu, hah hah. (Nag-iingat lang po Nay. Better to be safe than sorry po kasi nga po sabi mo buwis-buhay. Hihihi. Saka strict po ang protocol sa vulnerable sector. Pag stable na po ang sugar mo, show na tayo next Tuesday Nay. Hihihi. - Salve)

Retail therapy...

‘Yung retail therapy pag meron kang moment of madness at gusto mong biglang malimutan ang mga nangyayari, go ka sa store at maging impulsive buyer ka. Hindi ba madalas nangyayari iyan kaya kung minsan, hayun, ubos ang credit limit sa card.

‘Buti na lang kung ‘yung supermarket lang ang happy place mo, mga pagkain ang bibilhin mo at doon uubusin ang energy mo sa pagbili, para momentarily makalimot sa problema.

‘Yung iba naman ang ginagawa ay nagpapagupit ng buhok, nagpapagawa ng outfits, mga bagay na sabi nga panandalian lang para makalimot.

Pero surprisingly ha, hindi retail therapy ang ginawa ng ilan, sabi ni Dra. Vicki Belo ay skin hunger daw ang nangyari, maraming sumugod sa beauty clinic para magpa-facial after ng lockdown.

Hay naku, iba ibang paraan lang.

Show comments