^

PSN Showbiz

Woo-bin, gagawa na uli ng pelikula!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Woo-bin, gagawa na uli ng pelikula!
Kim Woo-bin
STAR/ File

Matapos gumaling sa cancer

Naku, Salve, ang ganda pala ng story ni Kim Woo-bin ha. Nagkaroon pala siya ng cancer at isa siyang survivor.

Bongga siya dahil hindi siya nagpatalo sa sakit at meron siyang determination na gumaling kaya naka-survive siya.

At girlfriend niya pala si Oh My Venus star na si Shin Min-a at bagay na bagay sila dahil pareho silang good looking.

Diagnosed siya with nasopharyngeal cancer noong 2017 at ngayon ay handa na uli siyang harapin ang kanyang career at balitang mga gagawin siyang bagong pelikula.

Mga ganyang story ang masarap basahin, makikita mo ang pagnanais na gumaling at ang paglaban para matalo ang sakit.

Galing naman ni Woo-bin ko, saka beautiful ng dyowa, payag na ako maagaw sa akin noh, at least mas bata ang mag-aalaga sa kanya at mas pretty pa.

Bongga ka, Papa Woo-bin.

Christmas celebration, pinaghahandaan pa rin

Para namang ang bilis talaga ng araw. Naisip kong hindi naman puwedeng mawala ang Christmas celebration sa calendar natin kahit pa nga medyo bleak at parang aabutin na ng December ang pandemic na ito.

Totoong parang nakakawala ng spirit ‘yung matagal na lockdown o quarantine, pero sure ako na looking forward pa rin ang lahat sa coming Christmas season.

Hindi na nga gaanong bongga ang mga paghahanda, hindi na gaya ng dati na August at September pa lang meron na agad decors, pero sure ako na ang spirit ay naroroon pa rin.

Wait and see ang filmfest, wait and see ang lahat, pero meron pa ring mga maririnig na gustong magkaroon ng party to ward off the bad spirit of the year.

Welcome 2021, give us a big bang.

vuukle comment

KIM WOO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with