^

PSN Showbiz

Park Bo-Gum walang maiiwang trabaho bago pumasok sa military

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Park Bo-Gum walang maiiwang trabaho bago pumasok sa military
Park Bo-Gum

Naku Salve, papasok na sa compulsory military service si Park Bo-gum. At bagay sa kanya iyon military cut na hair niya ha, lalong lumiit ang face at mas parang naging guwapo.

Buti naman at pandemic kahit paano wala siyang assignments at maiiwang trabaho.

Hihintayin na lang ang pagbalik niya para sa bagong movie o serye.

Mukha naman mabait si Park Bo-gum kaya very pleasant ang naging experience sa kanya ng fans niya sa ‘Pinas nang magkaroon siya ng meet and greet sa MOA.

Saka maganda ang body of works niya kahit nung bata pa siya, mahusay na siyang umarte. Sure ako paglabas niya from military, buff na buff ang katawan niya at lalo pa itong magiging hunky.

Bongga ang military men nila ang popogi. Naku mapasok nga iyan at sabayan sila mag-shower. Palagay mo Salve magtagumpay tayo? Hala, lika na, punta na tayo sa Korea.

Marian may class ‘pag nagka-kawanggawa

Isa pang bukal sa puso pag tumutulong ay si Marian Rivera.

Naalala n’yo ba nang ma-heart attack ang komedyanteng si Boobay?

Ang unang tumulong sa hospital hanggang paglabas ni Boobay, si Marian.

Walang balita, press release o salita na nanggaling kay Ma­rian, basta tahimik lang siyang tumulong.

Mahalaga lang ang kalusugan ni Boobay, gumaling lang. Kaya naman very close ang dalawa dahil nakita ni Boobay ang sincere na pagtulong ni Marian sa kanya, iyon pag-aasikaso.

Ganyan dapat ang mga charity act na talagang mula sa puso, galing sa puso, hindi ipinagkakalat, kaya mas doble ang balik.

Iyon ang ibig sabihin na pag meron kang ginawa, hayaan mo iyon ginawa mo will speak for yourself, huwag ikaw ang dumakdak tungkol dito.

Charity is an act of class, dapat pag ginawa mo, dinagdagan mo ng class para mas sosyal. Tahimik lang.

vuukle comment

PARK BO-GUM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with