^

PSN Showbiz

Kapalaran ng local movie industry, tagilid na!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Kapalaran ng local movie industry, tagilid na!
Direk Joey Reyes

Direktor nagsalita

Narinig namin ang interview kay direk Joey Reyes sa radyo, kung saan sinabi niyang totoong tagilid sa ngayon ang estado ng industriya ng pelikulang Pilipino. Ganoon pa man, nanawagan siya sa mga tao sa industriya na kailangan nga sigurong sa industriya mismo magsimula ang pagsisikap para makabangon dahil hindi maaaring iasa iyon sa gobyerno.

Siguro nga tutulong naman ang gobyerno, pero sa rami ng kailangang tulungan, dapat aminin na natin na ang industriya ng pelikula at entertainment sa kabuuan noon ang isa sa mga pinaka-huli sa listahan. Laging sinasabi ng ibang gumagawa ng pelikula ang kanilang “inggit” sa ibang mga bansa na ang pelikula ay binibigyan pa ng subsidy ng gobyerno, pero iba ang sitwasyon doon. Hindi kagaya rito na halos walang pera ang gobyerno.

Idagdag namin, iyan din ang nagiging daan kung bakit nagkakaroon ng kaso ng “over stepping”. Kasi nilalapitan natin ang mga ahensiya ng gobyerno at masyadong marami ang ating demands. Pati ba naman ang ayuda sa manggagawa iaasa natin sa ahensiyang ang tungkulin lang ay tumulong sa industriya.

Dahil sa pagtanggap ng “ayuda”, tayo ang nagbigay sa kanila ng pagkakataon na “mag-over stepping”. Kasi kung pakikinaba­ngan natin ng personal, ok ang over stepping nila. Kung hindi na at iba na ang motibo ng over stepping, nagrereklamo na tayo.

Para maiwasan din iyang sinasabi nilang “over stepping” ng ibang ahensiya ng gobyerno, aba kailangang patunayan ng mga taga-industriya ng pelikula na kaya nating tumayo sa sarili nating mga paa.

Noong araw naman na wala pa ang mga ahensiyang sinasabing tumutulong sa industriya, hindi ba doon nangyari ang itinuturing na “golden era” ng industriya? Hindi ba noon tayo nakagawa ng mga klasikong pelikulang Pilipino?

Hindi ba noon din kumikita ang mga pelikula kaya nga dumami ang mga sinehang nagpapalabas ng pelikulang Pilipino.

Kung kailan sinasabing “may ayuda” at saka umuurong ang mga sinehan sa pelikulang Pilipino, dahil hindi nga kumikita ang ginagawa nila.

Hindi ba naman?

Negosyante na...

Uy, nagsisimula na pala si Nadine Lustre ng isang negosyo. Gumagawa siya ng mga flower arrangements na ipinagbibili niya on line. Nakita namin ang mga picture ng kanyang mga floral arrangements at magaganda naman iyon kaya siguradong maraming bibili.

Mabuti naman at naisipan iyan ni Nadine, at least may negosyo siyang pagkakakitaan habang nakabalagbag ang kanyang career. Iyong seryeng gagawin niya ay talagang burado na. Wala naman siyang makuhang ibang trabaho, dahil sa problema niya sa dating kontrata sa mga manager niya.

Dapat talaga umisip na muna siya ng ibang pagkakakitaan lalo na sa panahong ito ng pandemya.

Sinabi ni Ariel tungkol sa bike, nagkatotoo

Ang tsismis noon, “napagbisikleta maghapon si Ariel Ureta” dahil sa kanyang birong “sa ika-uunlad ng bayan, bisikleta ang kailangan”. Pero si Ariel mismo ang nagsabing hindi naman totoo iyon. Isa lang iyon sa mga urban legends noong panahon ng martial law.

Pero sa ngayon, mukhang nangyayari ang sinabi ni Ariel noon. Isipin ninyo kung walang bisikleta, ilang manggagawa ang hindi makakapag-trabaho dahil walang masakyan, at kung mayroon man delikado ka namang mahawa sa COVID-19 mula sa ibang pasahero na makakasabay mo?

Talagang sa ngayon sa bisikleta na lang tayo, pero ingat dahil hindi naman nawala ang mga barumbado sa kalye kahit na anong “Q” pa ang ipatupad ng gobyerno.

vuukle comment

JOEY REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with