^
TuTubee eeksena sa Youtube
TuTuBee
STAR/ File

TuTubee eeksena sa Youtube

(Pilipino Star Ngayon) - August 15, 2020 - 12:00am

May bago na namang hatid na digital venture ang ABS-CBN dahil ipinapakilala ng record label nito na Star Music ang TuTuBee, isang YouTube channel na magbibigay kaalaman sa mga bata.

Layunin nila na maghatid ng educational at nakakagiliw na videos sa mga bata at tumulong na madagdagan ang kanilang kaalaman habang nananatili silang nasa bahay ngayon dahil sa panganib ng pandemya.

Ang TuTuBee ang pinakahuling online venture ng ABS-CBN para higit pang mapalakas ang digital pre­sence nito at maabot ang mas maraming manonood matapos nilang ilunsad ang Kapamilya Online Live, na nagpapalabas ng mga programa ng network sa YouTube at Facebook.

Kasama ang TuTuBee mascots na sina Aspin at Mimi, sisikapin ng channel na pangalagaan ang mental, physical, at emotional growth ng Pinoy kids gamit ang musika bilang pangunahing tool. Maaari silang kumanta, sumayaw, at matuto ng nur­sery rhymes at iba pang tunog sa Ingles o Pilipino na tutulong para maalala at maunawaan ng mga bata ang mga aralin at values na mahalaga para sa kanilang pag-unlad.

Tampok din dito ang life skills at teaching tools para sa mga magulang upang mas madali silang makapaghatid ng play-based learning na mga gawain para sa kanilang mga anak.

Nangunguna ang Kapamilya network bilang local account sa YouTube kung saan mayroon itong 28.7 milyong subscribers sa ABS-CBN Entertainment channel habang ang ABS-CBN Star Music ay may 5.4 milyong subscribers na pinanonood ang malawak na koleksyon nito ng mga awitin mula sa baguhang artists at OPM icons.

YOUTUBE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with