^

PSN Showbiz

Xian, naranasang maging baker!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Xian, naranasang maging baker!
Xian
STAR/ File

Alam mo, Ateng Salve, noong nasa Daly City, California pa si Xian Lim, ang dami pala niyang naging trabaho.

Bale 16 years old pa lang siya ay nag-part time job na siya sa isang restaurant na kilala sa pagkakaroon ng cakes.

Gumagawa raw siya ng cake doon at nag-work din siya sa Costco.

That time raw ay sobrang masaya siya dahil kumikita na siya at may pambili na ng mga gusto niya.

Sa ngayon, no doubt na malaki na ang kinikita ni Xian sa showbiz dahil isa siya sa pinaka-busy na artista ngayon.

Hindi lang pag-arte ang alam gawin ni Xian dahil nakakagawa rin ng script ang boyfriend ni Kim Chiu plus naging direktor na rin siya.

Isa nga si Xian sa sobrang talented na artista.

Siyanga pala, sa August 20 ay mapapanood na sa Netflix Philippines ang pelikula nila ni Alex Gonzaga, ang Love The Way U Lie ng Viva Films.

Inaasahan na magte-trending sa nasabing streaming app ang pelikulang ‘yon lalo na at straight to Netflix na nga sila matapos hindi matuloy ang first Summer Metro Manila Film Festival noong April kung saan ay official entry sana ang pelikulang ‘yon.

‘Yun na!

Diego noon pa plinanong lumipat sa Viva

Alam mo, Ateng Salve, noon pa naman napapabalitang may Star Magic artists na lilipat sa Viva Artists Agency ni Boss Vic del Rosario.

So, ‘yung announcement na nasa VAA na si Diego Loyzaga ay una lang sa iba pang mga maglilipatan sa kanila mula sa Star Magic?

Sabi naman ng kausap ko from VAA, noon pa naman walang contract sa Star Magic si Diego, pero kahit daw ganoon, maayos pa rin naman daw itong nagpaalam sa mga taga-Star Magic.

So, ang ibang sinasabing lilipat din sa VAA, inaayos pa rin ang pagpapaalam sa Star Magic?

Marami na rin nga palang handlers and road managers ng Star Magic ang nawala dahil sa retrenchment sa ABS-CBN dahil sa hindi pagkaka-approve ng Kongreso sa kanilang frequency renewal.

May isang Star Magic handler nga ako na nakatsikahan na lungkot na lungkot dahil sa mga natanggal sa kanila.

Miriam, naghahanap ng investors

Nakakatuwa rin na maraming celebrities ngayon ang tutok sa pagbi-business.

May isang aktres ako na nakatsikahan na busy sa pakikipag-meeting para sa iba’t ibang mga business na gusto niyang pasukan.

“Dami na kasing nasa food business, kaya iba naman ang sa akin,” sabi ng aktres.

Pero ang former Miss Universe runner-up (1999) na si Miriam Quiambao na married at may anak na, nasa online food business naman.

Kahapon ay nag-text siya sa akin kung gusto ko raw mag-invest sa ganoong business.

Maganda ang paliwanag sa akin ni Miriam tungkol sa business na ‘yon, kaya pinag-iisipan ko lalo na at hindi naman kalakihan ang investment, huh!

May mga pa-Zoom meeting nga si Miriam with her franchise mana-ger at sa mga gustong mag-invest sa business na ‘yon.

May public Facebook account naman si Miriam, kaya puwede ninyong i-check ‘yon sa kanyang page.

Sa panahon ngayon ng COVID-19 pandemic at isa sa pinaka-affected na industry ay ang showbiz, marami na talagang mga celebrity na dumidiskarte at humahanap ng ibang mapagkakakitaan.

Pero si Miriam, noon pa naman ay maraming mga business na.

Meron nga siyang mga kiosk na nagbebenta ng fresh sugar cane juice.

vuukle comment

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with