^

PSN Showbiz

Korina may nakatagong embryo!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Korina may nakatagong embryo!
Korina
Belo Medical Group/Released

Binanggit ni Korina Sanchez sa isang interview sa IG live na meron pa raw siyang apat na embryo na naka-freeze kaya kung mapagdesisyunan nila ni dating Sen. Mar Roxas na sundan ang kambal nilang sina Pepe at Pilar ay puwede pa.

Noon pa man ay mahilig na raw talaga siya sa mga bata, kaya malay natin baka gusto pa nilang magkaroon ng maraming anak na kayang-kaya pa naman pala sa tulong ng siyensya.

Samantala, may ilan sa mga celebrity couples ang napagtanu-ngan naming natatakot na magka-baby ngayong nasa panahon ng pandemya.

Sa totoo lang, hindi mo talaga sure kung ano ang magiging future ng mga nasa huling henerasyon ‘di ba?

Ang mag-partner nga na sina Paolo Contis at LJ Reyes ay okay na sila sa pagpapalaki kina Aki at Summer. Mas matututukan nila ito, dahil mahirap na raw na dagdagan pa ito ngayon.

Kahit nga si Joel Cruz na naka-walong anak na sa paraang surrogacy sa Russia, pinag-iisipang huwag nang dagdagan ang mga anak para matutukan ang pag-aalaga sa mga ito.

Pero meron pa rin palang naka-freeze na sampung fertilized embryo na tatagal pa raw ng 100 years. Kaya anytime na gusto niyang gamitin at dagdagan ang mga anak niya ay puwedeng-puwede.

Ang nakarating nga raw na kuwento sa kanila ngayon, bumababa raw ang population sa Russia kaya legal na raw doon at iko-cover ng gobyerno ang panganganak sa paraan ng Invitro Fertilization para madagdagan daw ang populasyon ng naturang bansa.

John ayaw tulungan ang sarili, lumabas na ng hospital

Inaayos na nila Tita Aster Amoyo ang paglabas sa hospital ni John Regala.

Totoong malaki na raw ang improvement ng aktor dahil nakakatayo at nakakalakad na ito. Pero ang gusto raw sana nila ay mag-stay pa ito ng ilang araw sa hospital para ma-assure na okay na okay na siya talaga.

Pero gustung-gusto na raw talaga nitong lumabas. Kaya inaayos na nila ang lahat  para ma-discharge na ito.

Nilinaw sa amin ni Tita Aster na inaayos nila ang hospital bills ni John mula sa mga nalikom nilang donasyon na pumasok sa bank account sa BDO na in-open nila ni Nadia Montenegro.

Marami rin kasing donasyon na pumasok sa sariling bank account ni John, kagaya noong P100K na binigay ni Raffy Tulfo at iba pa.

Sinabi rin ni Tita Aster na hindi nila puwedeng galawin’yung pumasok sa account ni John. Personal na raw niya iyon at hindi nila pinakialaman na maaring iyun na ang gagastusin ng aktor kapag  nakalabas na siya ng hospital. Pero lahat ng gastos ngayon sa hospital, mula sa pagkain, mga gamit ni John at ang suweldo sa nagbabantay sa kanya ay nangga-ling sa mga nalikom na donasyon ng grupo nina Tita Aster.

Kaya nagpapasalamat sila sa lahat na tumulong at patuloy pa ring nagpapadala, lalo na ang tulong  na mula sa unang asawa ni John na si Aurina Alvarez  Manansala-Hunt.

Nahalata na kasi naming malapit nang sumuko sina Tita Aster sa pagtulong kay John dahil hindi naman ito nakipag-cooperate. Noong unang araw pa lang daw sa hospital ay gusto nang lumabas ni John. Pero hindi pa niya kasi talaga kaya at mahinang-mahina siya. At ngayong bumabalik na ang lakas niya, wala na raw silang magagawa kung gusto na nitong lumabas. Basta ginawa na raw nilang lahat na tulong para sa aktor.

Kaya ipinagkibit-balikat na lang ni Tita Aster ang FB post ni Elizabeth Oropesa na mas marami pang mahihirap na dapat tulungan, hindi raw ang dating drug addict na tinulungan para magbago, tapos bumalik at nakikita namang ayaw ding tulungan ang sarili.

As of this writing, nasa hospital na si Nadia at nakapila sa cashier para i-settle  ang hospital bills ni John Regala.

Sen. Bong bumubuti na ang lagay

“I’m better. Thanks for the prayers,” text sa akin ni Sen. Bong Revilla nang kumustahin ko ang kalagayan niya.

Aminado siyang mahirap talaga kapag nadapuan ka ng COVID-19, lalo na’t mag-isa kang naka-isolate at walang tumutulong sa ‘yo.

Nakakadagdag talaga ang kalungkutan ng nag-iisa kang hinaharap itong nakamamatay na virus na ito. Pero mahirap din ang kalagayan sa pamilya lalo na kay Mayor Lani Mercado na gusto man daw niyang alagaan ang asawa niya, hindi naman niya magawa.

Kailangan din niyang ma-quarantine. Pero kahit naka-quarantine siya, lagi siyang naka-monitor kay Sen. Bong at pinagkaabalahan din niya ang pag-asikaso sa mga dumaraming COVID patients sa Bacoor.

Nagpapasalamat uli si Mayor Lani sa mga tumatawag, nag-text, nagbigay ng mensahe na patuloy silang nagdarasal para sa agarang paggaling ni Sen. Bong.

vuukle comment

KORINA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with