^

PSN Showbiz

John, nakausap na ang anak!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
John, nakausap na ang anak!
John

Masayang kinuwento sa amin ni Tita Aster Amoyo na nakita raw niya kung gaano kasaya ni John Regala pag kausap na niya via video chat ang anak niyang si John Paul Kieffer na 25 years old na pala ito.

Ito ang kaisa-isang anak ni John sa una niyang asawa na si Elizabeth Manansala-Hunt.

Nasa Arizona, USA sila na kung saan napangasawa niya roon ang Amerikanong si Stephen Hunt na tumayong ama ni John Paul.

Maliit pa raw itong anak ni John ay isinama na siya sa Amerika at doon na siya lumaki na walang koneksyon sa aktor. Kaya masasabing wala itong nararamdaman para sa kanyang tunay na ama.

Pero mabait itong si Elizabeth na bukod sa todo ang pagbigay ng tulong niya sa pagpapagamot kay John, hinihimok niya ang kanyang anak na kausapin na ang tunay na ama.

Dagdag pang kuwento ni Tita Aster, araw-araw silang nag-uusap ni Elizabeth at lagi raw niyang kinukulit na sana magkausap na ang mag-ama.

Ayaw lang daw pilitin ni Elizabeth dahil naniniwala siyang darating ang tamang panahong lalambot din ang puso ng kanilang anak at kakausapin na niya ang kanyang ama.

Nangyari na nga ito noong Lunes, August 10 ng hapon na kung saan medyo umookay na rin daw ang kalusugan ni John.

“Tuwang-tuwa si John. Nakikita mo talagang napaka-genuine. Ito na kasi ang matagal nang inaasam ni John.

“Hindi mo ma-explain siguro ang naramdaman ni John sa sobrang tuwa,” pakli ni Tita Aster nang nakatsikahan namin sa DZRH nu’ng Lunes ng gabi.

Masaya na rin niyang ikinuwento na bumubuti na raw ang kalusugan ng aktor at inaasahan nilang ilang araw na lang ang gamutan, puwede na itong lumabas.

Nagulat nga raw sila na nung huling check sa kanyang liver ay normal na raw ito.

Malaking bagay din nga siguro iyong wala na gaanong inaalala ang aktor at ramdam niyang marami ang nag-aalaga sa kanya.

May binuksang fundraising online si Chuckie Dreyfuss, at pati rin si Elizabeth na dating asawa ni John ay meron din doon sa Amerika na naka-link sa ginawa ni Chuckie.

Nakakatuwa raw na ang daming pumapasok na donasyon para kay John na minsan meron daw nagpapadala ng 60 pesos o 100 pesos mula sa mga taong hindi naman nila kilala kuwento pa ni tita Aster.

Kaya ngayon nga raw ay masasabing sa donasyong nalikom nila ay kayang-kaya na raw bayaran ang hospital bills ni John, kahit magtagal pa siya ng ilang araw sa National Kidney Transplant Institute.

“Sabi ko nga sa panahon ngayon ng pandemya na napaka-uncertain ng lahat. Alam mo nakakatuwa na ang dami talagang…buhos talaga ang tulong kay John,” masayang pahayag pa ni Tita Aster.

Baklitang sexy actor nanood mga guwapong bagets, nagkalat sa virtual laswaan

Meron na palang site ngayon na kung saan magbabayad ka lang daw ng 300 pesos na entry fee, papasukin ka sa site na iyun na kung saan live na napapanood mo ang dalawang lalaking may ginagawang kahalayan.

Medyo bagets pa raw at may itsura naman ang dalawang lalaking ito na kung saan ipinapakita nila roong unti-unti silang naghuhubad hanggang sa nilalaro nila ang sarili, at kapag magbigay ka pa additional fee, deretsong mapapanood mo nang nagtatalik ang dalawang lalaking ito.

Nagulat ang isang guwapo at matikas pa ring dating sexy actor nang nasilip niya ang site na ito na kung saan nag-pay siya ng 300 pesos.

Aminadong baklita na itong si dating sexy actor, kaya naaliw siyang maghanap ng ganitong entertainment online lalo na’t ang dami na talagang gutom ngayon.

Pinanood niya ang dalawang lalaking naghuhubad at nagsimula na silang magkapaan, nag-foreplay at deretso na sana sa sex.

Marami na raw ang nanonood sa kanila online.

Pero nagulat daw siyang bigla na lang siyang in-off at hindi na itinuloy ang panoood niya.

Hindi raw niya alam kung paano nila nadidi-detect na niri-record sila.

Sinubukan daw kasing i-record sila nung dating sexy actor, at napansin daw ito ng isang lalaki. Kaya bigla siyang in-off. Hindi na raw siya ipinasok uli.

Isa lamang iyun sa mga bagong raket ngayon ng mga kalalakihang lahat ginagawa para lang may pantawid-gutom.

vuukle comment

JOHN REGALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with