^

PSN Showbiz

Rest in peace, Mommy Baby…

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Rest in peace, Mommy Baby�
Gabby, KC at Mommy Baby

Nais kong makiramay sa pamilya Concepcion sa pagkamatay ni Mommy Baby, nanay nina Gabby at lola ni KC.

Magti-text sana ako until I realized na wala nga pala akong cell phone number ni Gabby at ayaw ko namang hingin kay Popoy Caritativo o kaya kay Katrina dahil baka magkaroon pa ng issue.

Basta ang pakikiramay ko sa pamilya ay galing sa puso at ipagdarasal ko na lamang ang katahimikan ng kanyang kaluluwa.

Naging napakabait na ina ni Mommy Baby sa kanyang mga anak kaya naman close na close sa kanya ang mga ito. Hanggang sa paglaki ay open ang relationship nila ng mga anak na ipinagtatapat sa kanya ang mga pangyayari sa buhay nila.

Kung ano man ang mga maliliit na ‘di pagkakaunawaan sure ako na ninais ni Mommy Baby na maayos ang mga iyon para walang problema pag siya ay nawala na.

Rest in peace, Mommy Baby. Siguro gusto mo na ng tahimik na paligid kasama si Daddy Rolly. Now together forever na kayong dalawa.

Till we meet again.

Tradisyon sa lamay, nasira rin sa virus

Ang hirap talaga ng panahon ngayon, Salve. Pati ang proper grieving ay hindi magawa ng mga namatayan pati ‘yung pakikiramay ng mga kamag-anak at kaibigan, halos hindi na makapunta sa burol dahil nga sa sitwasyon.

Pero ano ang magagawa natin, iyan na ngayon ang new normal, things na never mong maiisip na mangyayari before, pero heto na right before our very eyes ay nagaganap na.

Minsan nga ‘yung mga big clan ay hindi puwedeng pumunta dahil limitado ang tao na puwedeng pumasok na naging tradition na ng pamilya na pag may namatay ay dapat ang lahat ay nandoon dahil parang reunion.

Well, iba na nga ngayon kaya iba na rin ang mga kaganapan. Naiintindihan na rin ng pamilya kung hindi makakapunta ‘yung iba dahil nga sa sitwasyon. Pero siyempre, hinahanap pa rin iyon gaya ng dati, nandiyan ang lahat at sama-sama.

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with