_ngayon
^
Kris raratsada na sa TV5, doâs and donâts sa ghost month uso pa kaya?
Kris Aquino
STAR. File

Kris raratsada na sa TV5, do’s and don’ts sa ghost month uso pa kaya?

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - July 29, 2020 - 12:00am

Finally, matutuloy na raw talaga ang airing ng show ni Kris Aquino sa TV5.

Ayon sa source ng Take It… Per Minute, Me Ganun!, nag-pictorial na kahapon si Kris para sa nasabing show.

Maaalalang napabalitang naudlot ang airing nito early this month dahil hindi diumano nagkasundo ang producer ng programa at TV5 executives ayon sa chika ni Nay Cristy Fermin.

‘Politics’ diumano ang dahilan na kapareho raw  sa nangyari nang subukang pumasok ni Kris sa GMA 7.

Pero isang source nga ang nagsabi na may chance pang matuloy ang Love Life with Kris kasi deferred, as in postponed pa lang  at hindi pa totally shelved ayon sa isang insider ng TV5.

At ang latest chika nga kahapon, nag-pictorial na siya.

Pero kelan kaya ito ipapalabas?

Kilalang naniniwala si Kris sa ‘ghost month’ (August). Noong may TV show pa si Kris, ang dami niyang do’s and don’ts during ‘ghost month.’

Or at this point in time kaya may do’s and don’ts pa si Kris tuwing sasapit ang August?

Nag-start na sanang mag-promote si Kris ng nasabing show last week of June.

Obvious pa namang pinaghandaan talaga ni Kris ang nasabing pagbabalik niya sa TV dahil nga ang ganda ng mga ginagamit niyang photos sa mga social media uploads niya.

Anyway, isa pang pinag-usapan sa No.1 digital talk show nina Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu sa episode kahapon ang tungkol kay Janella Salvador na unang kinonsider sa Rise and Shine with Pokwang and Pauleen Luna.

Pero ayon nga sa source ni Nay Cristy, may isang namalditahan kay Janella nang minsang tawagan ito kaya hindi natuloy ang negotiations between her camp and TV5 people.

Si Ria Atayde ang ipinalit sa kanya sa nasabing programa.

At any rate, sa mga hindi nakapanood sa live episode ng Take It… Per Minute, Me Ganun! yesterday, maki-Team Reply sa Facebook page ng Pilipino Star NGAYON.

ABS-CBN inaalok ang transmission network para sa mga estudyante!

Kapamilya stars magiging teacher muna?

Wala pang response ang Malacañang habang sinusulat namin ito kung tatanggapin ng gobyerno ang alok ng ABS-CBN na pagpapagamit ng kanilang transmission network at educational programs para sa pagba­balik-eskuwelahan ng mga estudyante na hindi pa rin puwedeng magkaroon ng face to face classes habang naghihintay pa ang lahat ng vaccine para sa COVID-19.

Ayon sa statement ng network, “Ang pangako ng ABS-CBN sa publiko ay ang patuloy nitong paglilingkod sa mga Pilipino sa anumang paraang kaya nito.

“Bilang tugon sa programang pang-edukasyon ng pamahalaan sa panahon ng pandemya, inaalok namin ang paggamit ng aming transmission network para sa pagpapalabas ng educational programs sa buong bansa.

“Nais naming tulungan ang gobyerno sa pagpapaaral ng mga estudyante sa buong bansa sa kabila ng mga limitasyong dulot ng pandemya.

“Bukod sa aming transmission network, inaalok din namin ang lahat ng educational programs na ginawa namin sa nakaraang 20 taon.

“Bagama’t wala itong inaasahang epekto sa aming negosyo, ang tanging hangarin ng ABS-CBN ay makatulong sa pag-aaral ng ating mga estudyante sa buong bansa,” ang buong statement ng network na more than two months nang hindi nakakapag-operate dahil sa hindi pagbibigay dito ng franchise ng House of Representatives.

Kung tatanggapin ng pamahalaan lalo na at sabi nga ni Pesident Digong ay hindi pa talaga advisable ang face to face classes, magiging smooth ang transition sa distance learning ng mga bata dahil mas malawak ang range ng signal ng network. Hindi na rin kailangang mag-set up ng mga kailangan dahil, kumpleto na ang facilities nila.

At ang advantage pa, baka pumasok munang facilitator / teacher ang Kapamilya stars na hindi magkakaroon ng chance na makalipat ng network.

TV5
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with