Liza at Enrique walang planong lumundag sa ibang channel

Liza at Enrique

Ang galing naman ni Ogie Diaz bilang co-manager nila Liza Soberano at Enrique Gil.

Talagang sinabi niya na maghihintay lang sila Liza at Enrique sa magiging desisyon ng ABS-CBN bago gumawa ng plano.

At kahit pa nga medyo matagalan ang paghihintay ok lang, basta gusto nilang mauna muna ang desisyon ng network bago gumawa ng plano.

Showing their loyalty and love sa nagbigay sa kanila ng tiwala para sa kanilang career.

Good move Ogie, kaya lalo pa silang mamahalin ng kanilang fans.

Ang suwerte ni Ogie ha, sa kanya nanggaling si Vice Ganda, meron siyang Liza at Enrique, tapos meron pa siyang Raffy Tulfo. Bongga, buhay na buhay ang career.

Deputy card ng MTRCB, kailangan ng extension

Siguro dapat i-recommend natin kay Chair Rachel Arenas na i-extend na lang hanggang December 2021 ang MTRCB Deputy Card, Salve.

Halos hindi ito nagamit this year dahil sa mga unusual na pangyayari at instead na gumasta pa uli ang MTRCB sa bagong cards mas mabuti pa gawan na lang ng extension ang card na issued this year, ‘di bah?

Tawagan ko ang mabait at favorite chair ng MTRCB na si Chair Rachel Arenas na very busy sa pagtulong sa mommy niyang si Baby Arenas na congresswoman sa Pangasinan na talagang tutok sa pag-aalaga sa mga kababayan niyang nangangailangan.

Stay safe Chair Rachel at stay healthy, huwag sobra pagod, relax ng konti.

We miss you.

 

Show comments